Tula
Buhay probinsya ay hinahanap-hanap na,
Sa tuwing kakain ng gulay at isda;
Kay sarap gunitain ang pamamalakaya,
Na ang tanging gawain ay ang pangingisda.
Paggising sa umaga, hinahagilap ang bangka,
Kapag ito'y wala, madaling araw umalis na;
Dalangin sa Diyos, madami ang huli nya,
Upang may maihain sa kawayang lamesa.
Ito namang si totoy, walang hilig mangisda,
Kaya naman sa maynila, siya ay nagpunta;
Doon nya nakilala, aking mahal na ina,
Pangako'y habambuhay silang magsasama.
Matapos nilang itaguyod, pag-aaral ko at doktrina,
Hindi sila nahirapan sapagkat ako'y nag-iisa;
Kaya naman nuong ako'y mag-asawa,
Kanilang binalikan, ang buhay probinsya.
Ang aking lolo ay isang mangingisda,
Akin namang ama'y nakipagsapalaran sa Maynila;
Ngayon kaniyang apo ay narito sa Doha,
Nakawilihan ang gumawa ng tula.
Kay sarap balik balikan,
Buhay probinsya hindi matatawaran;
Ang sarap at saya kung saan may umpukan,
Lasing ang laging bida panay hagikhikan...
Sa kwentong barberyang puro kalokohan.
Sa simbahan nama'y puro litaninya,
Naging kaugalian, tuwing linggo ay magsimba;
Hayyyy buhay probinsya,
Aking buntong hininga.