Tula
Ikaw'y maituturing na dakila,
OFW ka man o nanatili sa bansa;
Pagmamahal mo at pagkalinga,
Hindi mababayaran ng kahit sinong bata.
Ang aking mga natutunan,
Hinding hindi ko malilimutan;
Ikaw na guro ng paaralan,
Huwaran ka ng lipunan.
Hinubog mo ang aking pagkatao,
Tinuruang saliksikin ang aking mundo;
Pag-ibig mo ay hindi nagbabago,
Sa munting batang tulad ko.
Salamat sa iyong pang unawa,
Sa kakulangan ko sa pagbasa;
Patuloy na nariyan kang,
Tinuturuan ako sa tuwina.
Sa haba ng iyong pinag aralan,
Ikaw ay aking pinapupurihan;
Ang kursong iyong kinagiliwan,
Ito'y malaking tulong para sa kabataan.
It is your thoughts and values shared that we will remember for the rest of your lives.
Isang makabagbag damdaming liham/ sulat ng isang mag-aaral sa kanyang guro - Kathang Isip lamang.
Sana po palagi kayong nakangiti sa klase, kasi po ginaganahan akong mag-aral kapag nakikita kitang masaya, minsan po nakita kitang nagpapahid ng luha sa may likuran, hindi lang po ako nagpahalata, tinanong ko po si nanay pag-uwi ko ng bahay, sabi niya baka lang daw may problema ka kaya ka umiiyak, alam mo ba teacher, si tatay po teacher din siya sa abroad, sabi ni nanay, OFW daw si tatay, nagtuturo sa mga bata doon, siguro po kagaya ka rin ni tatay na na-mi-miss kami ni nanay kaya ka umiiyak? Alam nyo po teacher, ipinag pray ka po namin ni nanay, sinabi ko po na lagi kang maging malakas para po hindi ka umabsent at matapos po naming magkakaklase ang aming taon ng pag-aaral, pinag pray ko rin po na sana madagdagan po ang sweldo ninyo at tumaas ang pasahod sa iba pang mga guro para rin po si tatay ay magbalik na dito at hindi na mangibang bansa. Alam nyo rin po teacher, nag-aaral po ako ng mabuti kahit na nahihirapan ako sa mathematics kasi magaling po kayong magturo, teacher, sana po kung may problema kayong personal, pwede nyo pong sabihin sa akin, kahit na bata po ako makikinig po ako, para lang po may mapaghingahan kayo ng sama ng loob, teacher, sana po magbabaon kayo ng biskwit kahit na konte kasi po mula umaga hanggang tanghali napapansin ko po maasim na ang mukha ninyo siguro nagugutom na kayo, teacher mahal ka po namin, sana po mahalin nyo rin po ang inyong sarili. Nagpabili po ako kay nanay ng roses para po sa inyo. Kasi Buwan daw po ngayon ng mga teacher, pasensya na po ma'am kasi tatlo lang ang nabili ni nanay sabi ko kasi madami ang bilhin. Happy Teacher's day po!
Nagmamahal,
si ako po