Sa Iyong Pagpikit

Tula sa Frontliners

Tula

Sa iyong pagpikit,
Bigat ng dibdib;

Panandaliang iwaglit,
Magpahinga kahit saglit.

Alam naming hindi madali,
Ang inyong gawain bawat sandali;

Sabihin mang parang nagmamadali,
Bukal naman sa puso ang pagkandili.

Mula sa umaga pagdilat ng mata,
Unang nasa isip ay kalagayan nila;

Kahit kalam na ang sikmura,
Silang may karamdaman ang uunahin muna.

Oras ay hindi alintana,
Ang bilis naman, tanghalian na pala;

Mabuti na lang may mga nagdala,
Pagkaing binalot mula sa nakaalala.

Sa sandaling sa sulok nag-iisa,
Kalungkutang dulot ng pagkabalisa;

Naaalala asawa, anak at ina,
Kumusta na nga kaya sila?

Sa higpit ng oras halos hindi makalabas,
Parang classroom na bawal lumabas;

Kahit na ang pagpunta sa kasilyas,
Ay parang ang hirap makaalpas.

Hindi madali ang inyong pinagdadaanan,
Ang tawaging laging nasa harapan; (frontliners)

Ngunit ito lamang ang palaging tandaan,
Lahat ng iyan ay kaya nating lampasan.

Kayo ang bayani ngayong panahon,
Kaming mga OFW sabi nila ay kahapon;

Ngunit hindi na importante iyon,
Ang mahalaga'y magtulungan tayo ngayon.

Sa iyong pagpikit kahit saglit,
Maibsan sana ang lungkot at sakit;

Kapahingahang iyong ninanais,
Kahit panandalian sana'y maalis.

Sa iyong pagpikit, asahan mong may kapalit,
Matagal man ito o kahit saglit;

Panibagong lakas upang harapin,
Ang kalaban natin na COVID-19.

Sa Iyong Pagpikit | Poems & Poetry
Thanks for watching!
#Covid19 #Tula_sa_Frontliners

This poem is written by Francis Morilao.
See details below:
Poem Title: Sa Iyong Pagpikit
Author: Francis Morilao
Visit his website: Click here