Maikling Kwento
Habang naglalakad ako sa may kahabaan ng pasilyo ay may nakasalubong akong isang lalaking may katamtamang taas, nanginginig sa lamig, suot ng kanyang makapal na damit, marahan siyang tumingin sa akin habang kami ay magkasalubong.
Teka pamilyar ang mukha niya sa akin.
Nakalampas na siya sa akin, kaya naman sinundan ko siya ng tingin, ipinikit ko ang aking mga mata, baka sakaling namamalik-mata lang ako, pero totoo ang nakita ko, siya nga iyon.
Habang papalayo siya ay iniisip ko pa rin na minsan kaming nagkausap sa isang lugar.
Ah alam ko na, hindi lang pala minsan kundi makailang beses kaming nagkausap ng lalaking ito.
Oo doon sa may tindahan ng mga isda sa bayan, sa Japan, kasama niya itong aking kaibigan, si
Hindi naman ako masyadong bihasa sa pagsaulo ng mga pangalan ngunit kapag nakita ko na ang isang tao'y madali ko nang napapamilyar siya sa muli naming pagkikita.
Kagaya kanina.
Ahh nagkita nga ulit kami dati.
Nakauwi na ako sa aking silid, ngunit hindi pa rin maalis sa aking isipan ang lalaking ito.
Kinuha ko ang aking kupita at nilagyan ng alak upang uminom, uminom ng kaunti para maibsan ang panlalamig ng aking sikmura na dulot ng malamig na panahon.
Kinuha ko ang peryodiko sa may misita at nagbasa.
Aba, ang lalaking nakasalubong ko kanina ay narito sa peryodiko.
Filipino Ilustrados, Leaders of the reform movement in Spain.
Sino nga siya?, tanong ko sa sarili.
Binasa ko ang mga nakasulat doon bagaman hindi ako masyadong bihasa sa salitang espanya, nangawit lang ang mata ko sa pagbabasa't hindi ko rin nalaman kung ano ang pangalan niya.
Kinabukas nakita ko ulit siyang lumalabas ng gusali ng koreyo, hinabol ko siya, tinawag, pagkakataon ko na ito para makausap ko ulit siya at malaman ang kanyang pangalan.
Senior, senior, ang sigaw ko…
Senior, ako po si Francisco, nagkita po tayo kagabi sa may pasilyo, at kung natatandaan po ninyo, sa tindahan ng mga isda sa Japan, kasama ninyo ang aking kaibigang si O-Sei-san.
Ah ganon ba!? Anong maipaglilingkod ko?(Iyan ang mga tanong mo sa akin na umukit sa aking isip, bigla akong nautal, hindi ko alam ang isasagot ko kaya muli kang nagsalita.)
Kung itatanong mo kung saan ako galing, galing ako sa gusali ng koreyo, naghulog ako ng sulat para sa aking ina sa Filipinas, dahil sa mga susunod na mga buwan ay pupunta ako ng Hongkong.
Ano po ang gagawin ninyo sa Hongkong!?tanong ko.
Doon muna ako lalagi at magtatayo ng isang klinika.
Ah doktor po kayo!?
Isa akong optalmologo.
Diciembre 30, 1890 - Francisco
Rizal Statue - Luneta, Philippines |
Lolo lolo, kanina ka pa walang imik dyan, malapit na tayo saLuneta
Ha!? Ah eh, ano naman gagawin natin saLuneta !?
Rizal Day ngayon lolo, araw ng pagdiriwang ng kamatayan niGat Jose Rizal
ah, sino ba si Rizal!?
Hay naku lolo, ulyanin ka na talaga, dati pinagyayabang mo pa nga sa aming mga apo mo na minsan ang tatay mo, si Lolo Francisco ay nakasama ni Rizal sa Madrid, tapos ipinapakita mo pa nga sa amin ang larawan ng tatay mo at ni Rizal at paulit-ulit mong binabasa sa amin angDiary ni Lolo Francisco nang minsan nagkakilala sila ni Rizal.
Lolo talagaaa,
Ayan na lolo, baba ka na, ayan si Rizal, 'yan angMonumento ni Rizal , siya ang nakasama ng tatay mo noon.
Wakas.
AngKathang isip na nabasa ninyo ay orihinal kong likha para sa pagdiriwang ngKamatayan ng Bayani ng ating Lahi, si Gat Jose Rizal . Binigyang pansin ko po ang isang pangyayari, na ang isang ordenaryong tao noong panahon ni Rizal ay maaaring may kahalintulad na diary, na magpapatunay ng mga pangyayari sa buhay ni Rizal noong nabubuhay pa siya.
Salamat po sa panahon. Magkita-kita po tayo sa Bagong Taon!
1888 - Nagpunta si Rizal sa Japan at nakilala niya si Seiko Usui 1891-1892 - Nagpunta si Rizal sa Hongkong,(self-imposed exile) dito siya nanirahan at sa kanyang klinika bilang optalmologoDecember 30, 1896 - Pinatay si Rizal sa Bagumbayan sa pamamagitan ng Firing Squad