Sanaysay
Jose matulog ka na, maaga pa ang pasok mo bukas, Tama na ang internet.
Eh Papa may assignment pa po ako.
Ano ba 'yun? Patingin nga?
2) Ang Araw ng kanilang Kamatayan
Aba swerte ka Jose, sa internet mo na lang hinahanap ngayon ang mga 'yan. Noong nag-aaral pa ako, na wala pang internet, naalala ko, madali ko lang nagawa ang aking takdang aralin tungkol sa mga Bayaning Filipino.
Ows, hindi nga Papa? Paano mo nasagot 'yun?
Jose, noon kasi ang larawan ng mga Bayaning Filipino ay nakalagay sa mga barya o coins. Hindi pa man ako sinisilang, noong 1967 ay nagkaroon ng Pilipino Series ang ating mga barya na kinabibilangan nina Lapu-Lapu sa 1 Sentimo, Melchora Aquino sa 5 Sentimo, Francisco Baltazar sa 10 Sentimo, Juan Luna sa 25 Sentimo, Marcelo H. del Pilar sa 50 Sentimo at si José Rizal sa Piso o 1 Peso, ngunit noong taong ako'y isinilang (1974) ito ay ipinawalang bisa at pinalitan ng Ang Bagong Lipunan Series noong 1975
Eh bakit pinalitan Papa?
Nagkaroon ng kaunting pagbabago sa mga hugis ng barya noong Ang Bagong Lipunan Series at nagkaroon ng 5 Peso Coin na larawan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang nakalagay at kapansin pansin na nakalagay din dito ang Araw ng Pagdiklara ng Martial Law - September 21, 1972.
Eh Papa, 6 lang 'yung Bayaning Filipino sa coins nasaan 'yung iba?
Jose, ang 6 pang mga Bayaning Filipino ay nasa Peso Bills naman, na kinabibilangan nina José Rizal sa 1 Peso, Andrés Bonifacio sa 5 Peso, Apolinario Mabini sa 10 Peso, Manuel L. Quezon sa 20 Peso, Sergio Osmeña sa 50 Peso at si Manuel Roxas sa 100 Peso.
Eh Papa, alam ko si Andrés Bonifacio at Apolinario Mabini ay mga bayani talaga, 'yung iba ba, mga bayani rin ba sila?
Oo naman Jose, mababasa mo dito ang kabayanihan nila Sergio Osmeña at Manuel L. Quezon, at dito naman ang kabayanihan ni Manuel Roxas.
Wow, may sagot na agad ako sa assignment ko Papa, thank you, eh paano naman 'yung araw ng kanilang kamatayan?, Bakit naman kasi may ganun pang tanong eh!
Jose, malamang may kaugnayan ito sa pagdiriwang ng Kalayaan ng Pilipinas, meron ka bang nakitang bayaning hindi pa namamatay?
Papa, sabi po ni Teacher kayo pong mga OFW (Overseas Filipino Workers) ang Makabagong Bayani.
Thank You kamo sabihin mo sa Teacher mo, sige na tulog ka na.
Eh Papa, 'yung araw ng kamatayan nila?
Search mo na lang sa internet
- Lapu-Lapu died on 1542
- Melchora Aquino died on March 2, 1919
- Francisco Baltazar died on February 20, 1862
- Juan Luna died on December 7, 1899
- Marcelo H. del Pilar died on July 4, 1896
- José Rizal died on December 30, 1896
- Andrés Bonifacio died on May 10, 1897
- Apolinario Mabini died on May 13, 1903
- Manuel L. Quezon died on August 1, 1944
- Sergio Osmeña died on 19 October 1961
- Manuel Roxas died on April 15, 1948
Sina
Sina
Sina
Si
Si
Si
Sina