Tula
at dahil naghahanap kayo ng maikling tula at mga maikling kasabihan,
tunghayan po sa ibaba…
Hindi lahat ng Makata ay magaling gumawa ng tula,
At hindi lahat ng magaling gumawa ng tula ay Makata;
Ang mahalaga ay napasaya nila,
Ang kanilang mambabasa.
Pag-ibig
Simpleng salita na pinagdudugtong ng maliit na linya,
Minsan inaabuso at hinahaluan ng pagnanasa.
…
Hindi mo na kailangang sabihin,
Damdamin mo'y nararamdaman ko rin;
Pag-ibig sa isa't isa'y palawigin,
Pagmamahalan'y pagsaluhan natin.
…
Pag-ibig ko sa iyo'y,
'sing asim ng sinigang;
Swabe ang timpla,
Pasok sa iyong panlasa;
'pag iyong natikman,
Siguradong babalik balikan.
…
Huwag mo na akong piliting umawit,
Dahil wala akong isasambit;
Kundi ang pag-ibig kong walang kapalit,
Kaligayahang abot hanggang langit.
…
Pag-ibig ko'y iyong damhin,
Ikaw'y aking aakapin;
At ibubulong ang nais dinggin,
Mahal kita, uulit ulitin.
Saka idadampi itong labi,
Sa iyong mapulang pisngi;
Dadamhin nang nakapikit,
Hanggang sa bibig natin'y maglapit.
Huwag na sana akong magising,
Sarap ng halik mo'y gusto kong lasapin;
Hayaan ako sa pagkakahimbing,
Bigyang laya itong damdamin.
…
Maghunos dili kayo mga kaibigan,
Relihiyon ay hindi dapat pagtalunan;
Pag-ibig sana sa atin ay mamagitan,
'Pagkat iyan ang Kanyang Kalooban.
Huwag po nating kalimutan sana,
Ang ugaling pagpapakumbaba;
Ito ang magbubukas ng iyong diwa,
Magiging tanglaw ng iyong kaluluwa.
At kung sakaling iba ng iyong paniniwala,
Ang tula kong ito'y taliwas sa iyong akala;
Hindi kita pipiliting maniwala,
Igagalang ko ang iyong panukala.
Ito lamang ang ating tandaan,
Huwag sana nating kalilimutan;
Pag-ibig na itinuro ng ating sinapiang samahan,
Maging tanglaw sa ating mga pananambitan.
…
Kahit na ano ang iyong isipin,
Kahit na ano pa ang iyong kantahin;
Ikaw pa rin ang laman nitong damdamin,
Ikaw lang ang tanging mamahalin.
Tibok ng puso ko'y iyong dinggin,
Walang ibang nais sambitin;
Pagmamahal ko'y hindi ka mabibitin,
Pag-ibig ko sa'yo'y lulubos lubusin.
…
Ang pag-ibig parang Bowling Game,
Minsan Strike, minsan Spare;
Minsan naka- kanal,
Kapag nakakasakal.
…
Salamat sa pagpapatibok ng aking puso,
Salamat sa tunay na pag-ibig mo;
Mula pa noong magkasintahan tayo,
Hanggang sa pinakasalan mo ako...
Pag-ibig mo'y walang pagbabago...
Mahal na mahal kita! Kaibigan at asawa ko!
…
Bakit mo pagseselosan,
Itong aking kaibigan;
Kung siya naman ang dahilan,
Ng aking kaligayahan.
Kaysa naman sa iyong makasariling paraan,
Puro pag-iimbot at kasuwapangan;
Palagi na lang away at tampuhan,
Pag-ibig na walang kwentang ipaglaban.
…
May Pag-ibig bang nagsimula sa wala?
Wala naman 'di po ba?
May mga nagsimula sa unang pagkikita,
May mga nahumaling sa magandang dalaga...
May mga nahulog sa boses na maganda...
At mayroon namang suki ng Tindera.
…
Pag-ibig kapag iyong pinairal,
Tutulungan ka ng Poong Maykapal;
Asahan mong walang magiging sagabal,
Bastat samahan mo ng dasal.
…
At kung dumating ang panahon,
Dakilang pag-ibig galing sa kahapon;
Ang paniwalaan mo ay ang ngayon,
Dahil ikaw ang pinili ko hanggang sa habang panahon.
…
Sawing pag-ibig parang singaw ng bibig,
Bunga ng maling init laman ay nangangalit;
Sa kalauman'y 'pag isip ay 'di ginamit,
Mauuwi lamang sa sakit ng dibdib.
Mahal
Sumama ka sa akin mahal ko
Sa tuktok ng bundok pupunta tayo;
At doon ipagsisigawan ko,
Upang marinig ng buong mundo...
Na MAHAL NA MAHAL KITA irog ko.
…
Inay salamat po sa pagmamahal,
At sa walang sawang pagdarasal.
Malayo man kami sa iyong piling,
Hindi ka nawawala sa aming isipin.
Kami ngayon ay dumadalangin,
Sa Diyos Amang mahabagin.
Mga kahilingan mo'y Kanyang dinggin,
Nang guminhawa ang 'yong damdamin.
…
Hindi ko kailangang ipagsigawan sa buong Mundo,
Na ikaw lang ang MAHAL ko;
Mas mabuting ipadama ko ito sa'yo,
Nang hindi ako magmukhang palalo.
…
Mahal kita,
Mahal mo siya;
Naiintindihan ko,
Dahil Nanay mo siya.
Ngunit huwag mo ring kalilimutan sana,
Na may nagmamahal kang asawa.
…
Iniibig kita,
Paniwalaan mo sana;
Sasaluhin ko ang lahat ng bala,
Na ipuputok ng iyong mahal na ama.
Baka sakaling pigilin mo siya,
At sa akin ay maniwala;
Sa pagmamahal kong walang kapara,
Asahan mong hinding hindi ka luluha.
…
Mga ngiti sa iyong labi,
Nagbibigay sigla sa aking hikbi;
Pagmamahal ko'y mananatili,
Iibigin kita sa bawat sandali.
…
Ang ating pagmamahalan ay parang dalampasigan,
Pagsikat ng araw sa karagatan, ganda nito'y wangis mo hirang.
Buhay
Ang BUHAY ay masaya kung…
Breakfast ko tuwing umaga
Ay halik at yakap mo sa tuwina!
…
Ang buhay ay bigay ng Maykapal,
Kahit na yurakan ng iba ang iyong dangal;
Mananatili kang sa Diyos ay sakdal,
Kaya't huwag bibitaw sa pagdarasal.
Dahil nasa Kanya,
Ang tunay mong dangal;
Walang dungis walang bahid,
Kung ikaw'y magpapakabanal.
…
Burahin mo man ako sa friendslist mo,
At i-Block ang friend request ko;
Mananatili ka sa wishlist ko,
Sa panaginip magkikita pa rin tayo...
Dahil ikaw ang buhay ko…
…
Hindi mo na kailangang umakyat sa entablado,
Upang makita ang kagandahan mo ng buong mundo;
Sa pagmamahal mo lang kuntento na ako,
Dahil ikaw ang Miss Universe ng buhay ko.
Ikaw at Ako Atbp.
Kailan ba nagsimula ang salitang tayo?
'Diba noong magkakilala ang ikaw at ako?
Kaya sa relasyon nating ito;
Sana ay magbigayan tayo.
…
Mga sinasabi ko raw ay puro kalokohan,
Magaling daw ako sa pakikipagbolahan;
Hindi kita pipiliting ako'y paniwalaan,
Awit ko na lang siguro ang iyong pakinggan...
Upang Ikaw at ako ay magkatuluyan.
…
Kailan mauunawaan ang mga bagay sa kasalukuyan,
Kailan lilinaw ang mga bunga ng nakaraan;
Kailangan bang simulang muli ang naumpisahan,
O ipagpatuloy ang kinagisnang kinagawian?
…
Hindi lahat ng nakangiti masaya,
At hindi lahat ng masaya walang problema;
Mas pinili nilang ngumiti at maging masaya,
Dahil pagpapa picture na pala!
Say Cheeese!