Tula sa Linggo ng Wika

Tula

Pag-ibig ko'y iyong damhin,
Sa mga susunod kong sasabihin;

Ikaw'y patuloy na mamahalin,
Sa tu-tuwina'y gagamitin.

Mula pagkabata'y naging kapiling,
Hanggang sa ako'y magkaroon ng supling;

Ikaw pa rin ang aking hinain,
Sa aking munting bituin.

Ako man'y mangibang bayan,
Hindi pa rin kita iniwanan;

Taludtod mo'y hindi binitawan,
Aking gamit dito sa balagtasan.

Dalangin ko sa Poong Maykapal,
Munting hiling sa kabataan;

Pag-ibig sa iyo'y 'wag kalimutan,
Sa ibang lahi'y maging huwaran.

Ilang ulit ka mang paglaruan ng iba,
Babuyin ang iyong halaga;

Sa akin'y mananatili kang dakila…
Ikaw na mahal kong wika.

notesnikiko.com Popular