Sanaysay
Yes! It's more fun in the Philippines! At ang mga kathang isip ni kiko ay nakikibahagi sa kampanya ng Department of Tourism (DOT) sa bago nitong slogan.
Tamad nga ba si Juan Tamad?
Isang Araw ay inutusan si Juan ng kanyang ina na bumili ng palayok. Nagkataon sa lugar ng kanyang pinagbilihan, ang mga tao ay pinepeste ng pulgas. Papauwi na sana siya subalit ang pulgas ay pumasok sa kanyang damit. Nahulog at nabasag ang palayok. Nalarawan niya sa kanyang isip na galit na galit ang kanyang ina kaya kailangan niyang gumawa ng paraan. Dinurog niya ang nabasag na palayok at inilagay sa dahon ng saging. Inilako niya ito sa taong bayan sa pagsasabing ito ay pamatay ng pulgas. Maraming bumili at umuwi si Juan ng maraming dalang salapi. Natuwa ang kanyang ina subalit kailangan pa rin niya ng palayok kaya pinabalik siya kinabukasan. Sa kanyang pagbabalik sinalubong siya ng galit na galit na mga taong bayan. Ang kanyang ibinenta ay huwad, walang nangyari ng binudburan nila ng pulbos ang mga pulgas. Subalit nagpalusot si Juan, hindi raw ganun ang tamang paggamit nito. Dapat hinuli nila ang pulgas at lagyan ang mga mata nito ng pulbos. Matapos magtawanan ang mga tao, tinakot nila si Juan na magsabi ng katotohanan. Walang magawa si Juan kung hindi magsalita. Bago pa man masaktan si Juan ng mga kalalakihan, may isang matandang babae ang nag-awat at nagsabi na palayain na lang siya. Isusumbong na lang nila si Juan sa kanyang ina at bahala na lang ang kanyang ina ang magparusa.
Maabilidad lang si Juan dahil may panahon siyang durugin ang nabasag na palayok at kumuha ng dahon ng saging para ilagay dito.
Sa kwento ni Juan Tamad ginamit niya ang dahon ng saging na pambalot sa dinurog niyang palayok, ngunit ginagamit din ang dahon ng saging na pambalot sa mga pagkaing tulad ng mga halimbawa sa ibaba:
Suman sa dahon ng saging - It's more fun in the Philippines
Ang suman ay ang pinaghalong malagkit na bigas at gata ng buko na binabalot sa dahon ng saging o palma. Matapos balutin, niluluto ito sa pamamagitan ng pagpapasingaw.
Tamales sa dahon ng saging - It's more fun in the Philippines
Ang tamales ay isang pagkaing Pilipino na halaw sa impluwensiya ng mga Mehikano. Karaniwang kinasasangkapan ang pagluluto nito ang pulbos o harinang bigas, itlog, at kulay-tsokolateng asukal. Madikit ang kaning-bigas na ito na hinaluan ng maraming panimpla at sinahugan din ng karne ng baboy, manok at nilagang itlog. Karaniwan itong pinauusukan para maluto habang nakabalot sa mga dahon ng saging.
Bibingka sa dahon ng saging - It's more fun in the Philippines
Ang bibingka ay isang uri ng mamon na gawa mula sa malagkit na bigas o galapong at gatas ng buko. Isa rin itong pagkaing meryenda sa Goa, Indya - ang bebinca - na ang ginagamit na mga sangkap ay harina, langis na ghee, asukal, at gata, at hindi nawawala sa anumang handaang katulad ng pagsilang, kasal, Pasko o Pasko ng Pagkabuhay. Inilalagay ito sa dahon ng saging at niluluto sa isang hurnuhang yari sa putik, pinaiinitan ng mainit na uling na nakapatong sa ibabaw ng lutuin. Iniihaw ito ng patung-patong. Karaniwan na ang may 16 na mga patong. Bilang tanyag na pagkain sa Pilipinas, karaniwan naman itong ginagamitan ng galapong, at ang paghuhurno ay katulad ng sa pagluluto ng bebinca ng Indya, ngunit bago ihain ay pinapahiran muna ito ng mantekilya o margarina (mantekilyang gawa sa niyog) at binubudburan ng asukal. Isinisilbi ito na may kasamang ginadgad na niyog.
Pansit Habhab sa dahon ng saging - It's more fun in the Philippines
Ang Pansit Habhab o Pansit Lucban ay ginisang miki na nilahokan ng karne at atay ng baboy, hipon, at gulay. Ito ay isang lokal na pagkain sa Quezon na sikat lalo na tuwing Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon. Ang kakaiba sa pansit habhab ay ang paraan ng pagkain nito. Hindi gumagamit ng anumang kubyertos sa pagkain ng habhab, sa halip ay inihahain ito sa isang maliit na bahagi ng dahon ng saging at tanging bibig lang ang gamit sa pagsubo ng pansit. Karaniwang nilalagyan ng suka ang pansit habhab para mas sumarap ang lasa nito.