Tula
Kontactr : Hello Makatang Kiko,
Masyadong puro pag-ibig ang mga tula mo, pwede mo ba akong gawan ng tula para sa aking anak na lalaki, na nanganganib na maging alam mo na, gandahan mo ha!
Salamat in advance.
Sa anak kong pasaway,
Na laging wala sa bahay;
Kung 'di laman ng kapit-bahay,
Nasa kanto at palaging tambay.
Sa anak kong pasaway,
Iyong ama'y nalulumbay;
Kailan ka titigil ng bahay?
Ang iyong ina ay nag-aantay.
Sa anak kong pasaway,
Na palaging matamlay;
Hindi mahilig sa pagkaing gulay,
Pati sa pagkain ay pasaway.
Sa anak kong pasaway,
Sa Computer naglalamay;
Sa DOTA madaming kaaway,
Natutuyot na pati ang laway.
Sa anak kong pasaway,
Na ang text ay panay-panay;
Sa mga dabarkads ay nakikisabay,
Sa mga usaping mahalay.
Sa anak kong pasaway,
Na panay ang sagot sa nanay;
Naturingan pa namang panganay,
Kailan ka pa nagkaroon ng sungay?
Sa anak kong pasaway,
Na walang alam sa buhay;
Maski damit hindi marunong magsampay,
Hindi naman ganyan ang iyong tatay.
Sa anak kong pasaway,
Na hindi marunong magbigay;
Makasariling tunay,
Kailan tutuwid ang iyong buhay?
Sa anak kong pasaway,
Pati kuko'y nilagyan ng kulay;
Hikaw sa taenga ay inilagay,
At buhok ay panay ang suklay.
Sa anak kong pasaway,
Dating Boy ngayon'y Inday;
Mag-isip ka nga ng mahusay,
Baka ikaw ay ibaon ko sa hukay.
Sa anak kong pasaway,
Puso ko'y para mong pinatay;
Sa sama ng loob na iyong ibinigay,
Luha ko ngayon'y walang humpay.
Dear _____,
Sana ay nagustuhan mo ang ginawa kong tula para sa iyo at sa anak mo.
- Kiko