Hiyas Sa Aking Palad

Tula para kay Gem-Gem

Tula

Maaaring hindi mo siya kilala at minsan pa'y hindi nakasalamuha,
Ngunit dahil sa karamdaman niya, pangalan niya'y, sa Qatar nakilala;
Isang batang 'sing ganda ng hiyas, ngiti sa kanyang labi ay tunay na likas,
Kahit sabihin pang, siya'y matamlay patuloy siyang nagiging matibay.

Salamat sa tulong ng ating kababayan, walang maliw na pagbabahaginan,
Minsan pa nating napatunayan kung gaano kahalaga ang ating ugnayan;
Pagdamay na iyong inilahad mistulang hiyas sa kanyang palad,
Sa puso't diwa niya nakatatak ang PINOY pinaka matulungin sa lahat.

Tulang ito'y isang karangalan para sa isang magandang hiyas,
Habang sinusulat luha'y pumapatak may bukas pa kaya't huwag nang umiyak.

Nais naming iparating itong aming panalangin,
Panginoon nawa'y dingin kagalingan mo na aming hiling;
Huwag ka sanang magdalamhati kung wala man kami sa iyong tabi,
Patuloy na nananalangin kami na ang pakiramdam mo ay bumuti.

Kung iniisip mong hindi ka namin mahal,
Nagkakamali ka sa iyong inuusal;
Hanggang may pag-ibig laging ipagdarasal,
Tanging ikaw—ikaw lamang.

GMA News Online Pinoy Abroad Kwentong Kapuso

About the Poem:
As the title says "Hiyas Sa Aking Palad" "Gem On My Palm" expresses the idea of sharing, helping and praying like holding a gem in your palm, Dedicated to Gemmalyn Sierte—a 14 year-old PSD student diagnosed with Lymph Nodes Cancer.
Created as Gem-Gem mother’s request thru Facebook message
Gem-Gem mother’s request thru Facebook message

Panalangin para kay Gem-Gem

Isang panalangin para sa dalaginding,
Siya'y ipagdasal natin;
Bigkasin nang mataimtim.

Panginoon na makapangyarihan,
Na nangako ng kagalingan;
Diyos na aming sinasampalatayanan,
Kami'y walang pag-aalinlangan.
Ikaw ay walang kasinungalingan,
Salita mo ay aming sandigan;
Isinasamo naming bigyan mo ng kalunasan,
Si Gem-Gem sa kanyang karamdaman.

Pinanghahawakan namin ang Iyong pangako,
Oh Diyos, masunod nawa ang nais mo;
Ang kagalingan sa batang ito,
Dalangin namin sa Pangalan ni Jesus.


Sa Iyong Kaarawan Gem-Gem

Ilang buwan na ang nagdaan,
Tila ikaw ay nariyan lang;
Mula nang ikaw ay lumisan,
Lungkot na nadarama'y 'di maparam.

Alam naming hindi mo papayagan,
Na kami ay malungkot nang tuluyan;
Dahil alam namin ngayon,
Kung saan ang iyong kinaroroonan.

Sa pagdiriwang ng iyong kaarawan,
Marami ang nakakaalam;
Sapagkat ala-ala na iyong iniwan,
Nananatili sa aming puso at isipan.

Mga paborito mong pagkain,
Ay talagang inihanda namin;
At sama-sama naming kakainin,
Paniniwalaang ikaw ngayon ay kapiling.

Sa panahon ng iyong pakikipaglaban,
Ikaw ay naging inspirasyon ng kabataan;
Mga ngiting ikinukubli ng karamdaman,
Ginhawang hatid sa iyong magulang.

Itong tula nawa'y sa iyo makarating,
Maging palamuti sa iyong pagkakahimbing;
At sa iyong muling paggising,
Alaalang handog kung iyong babasahin.

Dakila ang Diyos sa Kanyang kapangyarihan,
Sapagkat Siya ang lubos na nakakaalam;
Paghihirap na iyong nararanasan,
Binigyan Niya ng huling hangganan.

Tulad ng sinabi ni Apostol Pablo,
Sa sulat niya sa mga Taga Filipos;
Ang mabuhay ay Kay Kristo,
at ang mamatay ay pakinabang na totoo.

UPDATE: DECEMBER 1, 2011 :
GOD took GEM-GEM's soul back to HIM, condolences to her family.

Gem - Gem's Favorite Song