Magkatabi

Tula

Isang gabi nang matulog tayong magkatabi,
Para bang oras ay kay dami, mahalaga ang bawat sandali.

Kung sa iyo, ito ay saglit, sa diwa ko'y hindi mawaglit,
Kalimutan ko man ito ng pilit, sa puso pala ito makaukit.

Kailan kaya muling magdidikit, katawan natin sa yakap at halik?
Kailan kaya manunumbalik, pag‑ibig mong walang kasing lupit?

Nang tayo'y magkalayo, at iwanan mong nag‑iisa,
Hinahanap hanap ko sa tuwina, ang yakap mong nakagiginhawa.

Malayo man tayo sa isa't isa, nandito ako at nandiyan ka,
Ipikit mo lang ang iyong mga mata, sa panaginip ay tatabihan kita.

Tula ng Magkatabi sa Isip