Tula
Parang kailan lang noong tayo'y nagliligawan,
Magkasama sa simbahan upang simbang gabi ay saksihan.
Ilang parol ang ating magkasamang ginawa,
Ilang bibingka ang ating inihanda;
Hanggang sa magpasyang mag-asawa,
Kapiling sa pasko sa tuwi-tuwina.
Ni minsan'y hindi ka nawalay sa aking piling,
Habang ang mga bata'y nagka-caroling;
Napakasarap ng aking feeling,
Na kasama ka tuwing pasko ay darating.
Ngayong tayo ay matatanda na,
Sandaang pasko na nga pala;
Tanging mga ngiti at haplos mo sinta,
Patak ng luha ko sa masasayang alaala.
Hindi natin alam kung tayo ay aabot pa,
Sa susunod na paskong dekada;
Ngunit ako ngayon ay masaya,
Dahil ngayong pasko ay kapiling parin kita.
Maligayang pasko mahal.
Itong tula ay alay ko sa mga lolo at lola na patuloy na nagmamahalan sa liwanag ng kapaskuhan