Ang Langgam Bow

Tula

Ang tulang inyong mababasa,
Ay ginawa ko nang nakadapa;
Habang pinapanood ko silang,
Nakapila sa bintana.

Mula pa pagkabata,
Ikinuwento na ni lola;
Kung gaano kasinop talaga,
Ang langgam na nakapila.

Palaging magka antabay,
Kung maglakad sabay sabay;
Walang ibang papantay,
Sa kasipagan nilang taglay.

Bata man o matanda,
Iisa ang tanging adhika;
Magkaroon ng pagkain sa tuwina,
Kahit magkaroon man ng baha.

Nagbago man ang panahon,
Naging waldas ka man kahapon;
Subukan mo ngayong mag-ipon,
Para sa darating na panahon.

Mula noon hanggang ngayon,
Kwento ng langgam ay iisa;
Ang maging masinop na tulad nila,
Iisa ang mithiin tagumpay 'pag sama sama.

Ang tula ko ay tapos na,
ngunit naglalakad pa rin sila;
iba talagang determinasyon nila,
sundalo ng Mahal na Reyna.

Ang Langgam Bow

Ang Langgam Bow