March 18 Ozone Disco Tragedy 15th Anniversary

Ozone Sanaysay

Sanaysay

Ngayong araw na ito ay ipinagdiriwang ang
ika-labing limang anibersaryo ng Ozone Disco Club Fire Tragedy
Timog Avenue corner Tomas Morato Avenue Quezon City
March 18, 1996

Ang Ozone Disco Club fire ang sinasabing pinaka matinding sunog na nangyari sa Pilipinas na nag-iwan ng 162 taong patay. Nitong nakaraang Agosto 19, 2010 ay nai-feature si Rhen Galang (Ozone Disco Survivor) sa "Bandila" ni Ces Oreña-Drilon ng ABS CBN.

Ang bansang Qatar ay isa sa mga bansa sa gitnang silangan na dumadanas ng matinding init ng panahon pagsapit ng tag araw.

Ang buwan ng Marso ang siyang hudyat sa simula ng tag-araw kaya naman napag-uusapan ang tungkol sa sunog at mga paraan para maiwasan o kaya naman ay makontrol ang anumang mangyayaring sakuna na dulot ng sunog.

Ang Al Jazeera Printing Press W.L.L. ay handa na ngayon sa pagsalubong sa tag-araw. Ang aming Direktor ay naglunsad ng mga pagbabago sa kapaligiran upang mapangalagaan ang ari-arian at kapakanan ng mga manggagawa, bukod sa personal na hangarin, ito rin ay utos ng pamahalaan na panatilihing ligtas ang bawat pasilidad at bawat kompanya na nasasakupan nito. Lalong lalo na dito sa Industrial Area, Doha - Qatar.

Sa loob ng kitchen ay pinalitan lahat ng mga kabinet at iba pang lalagyan, ng metal upang maiwasang kumalat ang apoy sa panahon ng sunog. At sa labas naman ay gumawa ng lalagyan ng mga Gas Cylinder.

Sa paligid ng gusali ay makikita ang mga karatulang "No Smoking" at kapansin pansin ang mga "Fire Extinguisher" at ibang pang Fire Prevention Materials.

At noong nakaraang March 14, ay may nangyaring sunog sa aming accomodation na ang dahilan ay electrical fault, nagkaroon ng sparks sa outlet na nagsimulang kumalat sa nakadikit na higaan na pinagmulan ng apoy. Mabuti na lamang at sa mga oras na iyon ay may taong nakapansin ng malaking usok na lumabas sa kwarto. Na video-han namin ang pangyayaring pag apula ng sunog at pagkatapos ng walong minuto sa tulong ng Fire Marshals ng Qatar ay idineklarang "Fire Under Control"

Tuwang tuwa ang Fire Master sa aming mga empleyado pati na sa aming kumpanya sapagkat kumpleto kami sa Fire Extiquiser and materials at halos lahat ay nag responde sa sunog.

"This company is good, employees are prepared!" - Fire Master

(Ipagpaumanhin po ninyo kung hindi ko mailagay ang nakuhang video for personal reasons)

At nakakatuwang malaman na matapos ang tatlong araw, ipinagpaliban ang operasyon ng kuryente sa kabilang gusali namin upang ayusin ng sangay ng gobyerno ang daloy ng kuryente. At matapos ang kalahating araw ay normal na ulit ang operasyon.

Ang isang mithiin, katulad ng paghahanda sa tag-araw ay makakamit kung sisimulan sa isang maliit ngunit planado at may matibay na desisyon na susuportahan ng nakararami.

Sunog ay maiiwasan kung maayos ang nanunungkulan.

Mag-ingat po mga kabayan.