Tula
Ako'y isang tumandok, ng ibayong lipi,
Ngayon sa iyong lahi'y, nais makisapi;
Upang ang nais ko, nama'y isangguni,
Iniibig kita, at ikaw'y pinupuri.
Sa ating pagkikita, nag-umapaw ang saya,
Marubdob kong dalangin'y, tinugon ni Bathala;
Sa sandaling panahon'y, napaibig kita,
Inayang pakasal, at hinarap sa dambana.
Sa kasawiang palad, sa ibayong dagat napadpad,
Haplos mo sa umaga, ang palagi kong hanap;
T'wing umaga'y inaasam, na ikaw'y muling mahagkan,
Damhin ang iyong labi, na katakam-takam.
Kailan kaya, muling liligaya?
Kailan tayo, muling magkikita?;
Kailan ko, muling madarama?
Ang init ng haplos, ligaya sa umaga.
Amaya? Amaya?
Kung alam mo lang, na tuwing umaga'y lumuluha,
Hinahanap hanap, ang iyong pagkalinga;
Ang mainit na palad, na iyong ipinadarama,
Ang haplos mo Amaya, ligaya ko sa umaga.