Love Bus Book 2 part 8

Love Bus Book 2

Nobela

Love Bus 2
Tito, tito Franz, dali ang ganda ng palabas sa MTV! Ano daw? I Will Be Here ni Gary V. Umupo si Franz…

Pinanood ang MTV…

Nagbalik sa ala-ala niya ang PANAHONG NANGANAK SI BRENDA KAY JOSH

Ang mga katagang I Will Be Here na nanggaling kay Myra, tila nagpa-aalalang nandito pa rin ako Franz, "puntahan mo ako at malalaman mo ang kasagutan sa mga katanungan mo."

Natapos ang MTV, tulala pa rin si Franz Tito, are you okay? I'm - i'm okay Josh, tara punta tayo sa Ninang Myra mo…

SA KOTSE NI FRANZ

Tito, diba Sunday ngayon simba kaya muna tayo? Sige, simba muna tayo sa Baclaran Church tapos puntahan natin si Ninang mo sa Manila Memorial Park Parañaque Pagkatapos magsimba ay nagpunta na sila sa Memorial Park Josh:
Tito Franz, nandun na naman si Mang Poldo oh!
Franz:
Oo nga noh, tara…
Franz:
Magandang araw po!
Poldo:
Magandang araw naman.
Josh:
Mang Poldo, napadaan po ulit kayo?
Franz:
Ah, Mang Poldo sabi po ninyo noon, pamilyar ang pangalan ng asawa ko.
Poldo:
Ah, asawa mo ba siya?
Franz:
Opo, pamilyar din kasi ang Poldo na pangalan sa akin, may kilala po ba kayong Herminia?
Poldo:
Oo, si Miniang Susi ba kamo?
Franz:
Opo, siya nga po na taga kabihasnan.
Poldo:
Nanay ko siya.
Franz:
Ako si Francisco Molina ang apo ni Enrico, at si Myra ang apo ni Cecilia, si Herminia po ang nagbigay sa amin ng susi.
EKSENANG IBINIGAY NI HERMINIA ANG SUSI KINA FRANZ AT MYRA Poldo:
Ngunit kinalimutan ninyong hanapin ang libro hindi ba? Dahil ayaw ninyong maniwala sa sumpa, kaya namatay si Myra.
Josh:
Mang Poldo, ano po ang sumpa?
Franz:
Josh, 'wag matanong, mamaya mag-uusap tayo.
Josh:
Opo Tito Franz.
Franz:
Hindi na po namin nahanap noon dahil pagpunta namin sa North Cemetery kung saan nakalagay ang abo ni Miguel, wala na doon ang libro, naniwala kaming sa pagkawala ng libro, kasabay nitong nawala ang sumpa.
Poldo:
Anak, totoo ang sumpa, dapat ay hanapin ang libro dahil kawawa siya (tumingin kay Josh)
Franz:
Hindi ko pa rin ho maintindihan kung ano nga ang sumpa, at saka matagal na po iyon, limang taon na ang nakararaan nang makuha namin ang susi mula sa iyong ina.
Poldo:
Sumama ka sa akin at maghanap tayo ng mga bagay na makakatulong sa paghanap sa libro.
Josh:
Tito Franz, saan po tayo pupunta?
Franz:
Josh, kakain muna tayo ha, tapos pupunta tayo sa bahay ni Mang Poldo.
Josh:
Ok.

SA KOTSE NI FRANZ

Franz:
Kumusta na po si Herminia?
Poldo:
Dalawang taon na siyang patay, ngunit ibinilin niyang huwag itapon o sunugin ang mga nakalagay sa kanyang maleta, doon tayo maaaring makakita ng mga bagay para mahanap natin ang libro.
Franz:
Sa-sana po Mang Poldo.

SA KABIHASNAN

Poldo:
Tuloy kayo.
Josh:
Mang Poldo dito po kayo nakatira? (lilinga linga, pabulong, ang liit naman)
Poldo:
Oo anak, upo kayo, kukunin ko lang ang maleta ni inay.
Pagbalik ni Mang Poldo ay dala na niya ang maleta. Bumungad kila Franz at Josh ang lumang maleta nang sinauna. Dahan dahang binuksan ito ni Mang Poldo at hinagilat ang mga bagay gaya ng libro o mga sulat. Hanggang sa makita niya ang isang lumang sobre, na may nakasulat sa labas na…
Old Envelope
Herminia
Isang Pagkakamali ang aking Nagawa
Saan ko kaya makikita ang mga kasamang pahina
Tulungan nawa ako ni Bathala
Upang mawakasan na itong Sumpa
Maria
Poldo:
Ito, Franz, ito tignan mo, sumpa daw. (Iniabot ang sobre at binuksan, mayroong isang lumang papel sa loob, binuklat sa pagkakatupi at binasa…)
Franz:
Ano ito!? (Pagkagulat ni Franz) teka Mang Poldo ito ang nakalagay sa susi ah! Ito ang pahina tatlumput tatlo! (malakas ang boses)
Poldo:
Eh di 'yan na siguro ang pangontra sa sumpa!? Basahin mo.
Franz:
Pajinang ito capag iuong pinilas,
sumpa ng nacaraan ay mababalictad
cia na manganganak an ciang magjijirap
camataian naman sa asaoa
ng librong may tangan

anapin an libro at sunugin sa apoy
upang sumpa ng kajapon ay indi magtuloi
malalabanan an sumpa
capag sinunog itong pajinang casama.
Poldo:
Naku, mukhang mali yatang nasa atin ang pahinang 'yan.
Franz:
Maaaring napilas ito mula sa libro nang hindi binabasa.
Poldo:
Ano sa palagay mo ang dapat nating gawin?
Franz:
Nasaan ang libro? Paano natin ito masusunog? Paano natin mawawakasan ang sumpa?
Poldo:
(Siniyasat maigi ang sobre) Tignan mo ito, pangalan ng kasambahay ni Nanay Miniang, maaaring siya ang nagpilas ng pahinang ito at ibinigay kay inay.
Franz:
Alam po ba ninyo kung saan natin siya makikita?
Poldo:
Tara punta tayo sa may Baclaran, baka may nakakakilala sa kanya doon.
Josh:
Ehhhh tito Franz saan na naman tayo pupunta?
Franz:
Babalik tayo sa Baclaran, hahanapin natin si aling Maria.
Josh:
Eh diba galing na tayo dun kanina? Wala namang mga tao doon ah, sa paligid, diba? Malinis na ang lugar sa paligid ng Baclaran diba?
Poldo:
Totoo bang sinasabi mo iho?, tanong kay Josh.
Josh:
Opo. Sabi pa nga kanina ni tito Franz, dati doon pa raw sila nanuod ng sine ni mama at ninang sa may sinehan doon sa may Baclaran. Diba tito diba, sinabi mo 'yun kanina?
Franz:
Oo nga naalala ko, saan natin hahanapin si aling Maria, mang Poldo?
Poldo:
Teka hanap pa tayo dito sa maleta ni nanay.
Lumipas ang ilang oras sa kanilang paghahanap, wala pa rin silang makita kahit isa Josh:
Tito Franz, napupupu ako.
Franz:
Sige po Mang Poldo, aalis na kami, kung may mahanap po kayo itabi nyo lang po, babalik ako bukas ng umaga pagkahatid ko kay Josh sa eskwelahan.
Poldo:
Sige, maghahanap din ako sa mga damitan ni nanay, mag-iingat kayo.
Nakauwi na sila Franz at Josh, nakaraos na rin ang pupu ni Josh at pagkatapos maghapunan ay nagkasundo silang matulog na ng maaga dahil may pasok kinabukasan Good night Tito Franz, Mwaahhh. Good night Josh. Yumakap si Josh kay Franz hanggang sa makatulog ito, si Franz ay hindi pa rin makatulog, iniisip niya ang paraan para mahanap si aling Maria at mahanap din ang libro, malalim na ang gabi Anak, makinig ka sa akin, Ang sumpa ng tao ay hindi mabuti para sa tao, marami na ang namatay sa sumpa, marami na ang nabaliw sa sumpa, marami na ang nagbuwis ng buhay sa sumpa, sumpa na nagmula sa tao, ginawa nila ito para maihiwalay ang kanilang pananampalataya sa Akin, upang mas paniwalaan nila ang mga taong nangongontra ng sumpa kaysa sa kanilang pananampalataya sa Aking kapangyarihan. Inililihis nila ang atensyon ng nakararami upang mailayo sila sa Akin, kinukuha nila ang pag-iisip ninyo upang mas maniwala sa tao kaysa sa Akin. Tito Franz, tito Franz gising... Huh! Nananaginip ka tito Franz. Si-sige tulog ka na ulit, 3 a.m. pa lang. Bumangon si Franz at nagpunta sa kitchen para kumuha ng tubig sa ref, malinaw na malinaw ang kanyang mga narinig, hindi maalis sa kanyang isip ang mga sinabi ng mahiwagang tinig

Ano nga ba ang katotohanan ng mga sumpa? tanong niya sa sarili.

Si Franz ay hindi relihiyosong tao, ang mahalaga sa kanya ay mayroon siyang ugnayan sa Diyos sa panalangin at pagpupuri, palagi siyang nagbabasa ng Bibliya

Naisip niyang buklatin muli ang Bibliya at hanapin ang mga sumpang naganap dito.

Kagaya ng nakaugalian ni Franz bago niya buksan ang Bibliya ay nagdadasal muna siya upang gabayan ng Espiritu Santo ang kanyang mababasa upang lubos niyang maunawaan.

Sumpa, sumpa tsk tsk, hanap, hanap. Nagbalik siya sa Genesis at nabasa niya ito Genesis 3:14-17

14. At sinabi ng Panginoong Dios sa ahas, Sapagkat ginawa mo ito, ay sumpain ka ng higit sa lahat ng hayop, at ng higit sa bawat ganid sa parang; ang iyong tiyan ang ilalakad mo, at alabok ang iyong kakanin sa lahat ng mga araw ng iyong buhay:

15. At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.

16. Sinabi niya sa babae, Pararamihin kong lubha ang iyong kalumbayan at ang iyong paglilihi; manganganak kang may kahirapan; at sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban, at siya'y papapanginoon sa iyo.

17. At kay Adam ay sinabi, Sapagkat iyong dininig ang tinig ng iyong asawa, at kumain ka ng bunga ng punong kahoy na aking iniutos sa iyo na sinabi. Huwag kang kakain niyaon; sumpain ang lupa dahil sa iyo; kakain ka sa kanya sa pamamagitan ng iyong pagpapagal sa lahat ng mga araw ng iyong buhay.

- Tagalog-English Diglot King James Version

Napaisip si Franz, at sandaling nanahimik, maya maya pa'y nakaidlip na siya sa kanyang pagkaka-upo.