Tula
Marami ang nangahas pumasok sa munting silid ng pangarap
Halimuyak na hatid walang ibang kapalit,
Kaligayahang dulot ng ulos sa munting silid;
Pangarap na minsan'y sumaisip,
Kailan mararating ang rurok na hinihiling?
Pangarap na lang ba,
Tuwing sa silid tayo nagkikita?
Sa bawat impit at halinghing;
Ligayang walang maihahambing.
Sa isang munting silid ng pangarap,
Pag-aalinlangan ay napaparam;
Sa ritmo ng iyong balakang,
Sumasabay sa tunog ng kawalan.
Sa bawat buhos ng tubig,
Kasabay ng tibok ng dibdib;
Damhin mo ang aking pag-ibig,
Lasapin ang bawat pintig.
Sa iyong pagpikit,
Muling aayain sa munting silid;
Sa silid na pinapangarap marating,
Upang pag-ibig natin ay minsan pang abutin.
