Maikling Kwento
Bakit ganon? Bakit ang gulo-gulo ng isip ko? Bakit puro palpak ang mga nangyayari?tanong ko sa sarili ko habang naglalakad sa kahabaan ng Niog Road sa Bacoor Cavite...
Sakay ng jeep papuntang Baclaran ay sisinghap singhap ako dahil sa impit na hikbi at dalamhati na aking dinaranas, ang apat na anak ko ay nasa Dasmariñas naman na alaga ng mag-asawa kong byenan na hindi ko pa nadadalaw ng dalawang araw.
Ano ba itong chapter ng buhay ko? Parang ang hirap yatang umusad?mga tanong ko sa sarili.
Ilang minuto pa ay narating ko na ang Cubao upang sumakay ng FX papunta ng Antipolo, 'pag dating ko ng bahay ay nadatnan ko ang aking maybahay at ang kanyang nakababatang kapatid na babae, aninag sa kanya ang pamumugto ng mata, nilapitan ko siya at niyakap, na doon naman muling tumulo ang aking luha.
Malalampasan din natin ito, huwag ka lang bibitaw ha?, pinahid ko ang luha sa aking pisngi at nagpaalam ng halik.
Ingat ka!
Oo, ikaw din at ang sarili mo, sabay haplos sa kanyang tiyan na mayroong sangol na mag-lilimambuwan na sa kanyang sinapupunan.
Uwian na naman at sa Dasmariñas naman ang punta ko, tila napakahaba ng araw para sa akin, hindi ko alintana ang pagod dahil sa tuwing makikita ko ang mga anak ko ay nagkakaroon ako ng panibagong sigla, kaligayahang hindi kayang bilhin ng kahit na anong salapi.
Nairaos ko ang aking hapunan sa masarap na luto ng aking byenan. Pagkapahinga ay nagpaalam na ako upang umuwi muli sa Bacoor.
Simula na naman ng kaguluhan ng aking pag-iisip pagbukas ko ng pintuan ng aming bahay.
Ganoon yata talaga ang buhay, kailangang danasin ng bawat tao ang mga pagsubok upang ito ang magsilbing hamon upang maging matatag.
Mayroong
Tinapos ko ang araw sa panalangin, ang matinding iyak sa Panginoon, at doon ko naramdaman ang kapahingahan ng aking pag-iisip pati na ng aking katawan.
Unti-unti sa tulong ng Diyos ay naiuwi ko ang aking maybahay sa Bacoor, naipakita at naipadama ko sa kanya ang pag-aaruga at pag-aasikaso habang siya ay nagbubuntis, lalo kaming naging malapit sa isa't isa at ako ang palaging nagpapakalma sa kanya tuwing hinahanap niya ang kanyang mga anak.
Siya si Eirene, ang pangalan niya ay hango sa salin ng greek sa salitang kapayapaan (peace). Sa tulong ng Diyos ay muli kaming nagkasama-sama ng aming mga anak, na promote ako sa aking pinagtatrabahuhan at sinagot ng aming kumpanya ang renta ng bahay na aming nilipatan malapit sa aking trabaho sa Parañaque.
Minsan kung titignan natin ang isang tao, maaaring tayo ay humahanga o nasusuklam, ngunit mabuti ang Diyos sa Kanyang Kapangyarihan upang bigyan tayo ng pang-unawa sa mga bagay at tao sa ating paligid na minsan ay dumanas din ng mga pagsubok na hindi kayang ipaliwanag.
Kaibigan, habang binabasa mo itong aking kwento, nawa'y maging kalakasan ito sa iyo kung ikaw man ay dumadanas ngayon ng mga pagsubok. Lagi mo lamang tatandaan na walang mawawala sa iyo kung bibigyan mo ng panahon ang pananalangin sa Diyos. Maaaring hindi ka kaagad tugunin ng Diyos sa iyong panalangin ngunit huwag kang susuko. Pagsubok lang 'yan.
Ngayon kahit na nandito ako sa bansang Qatar at malayo sa aking pamilya ay taglay ko ang kapayapaan sa aking pag-iisip na ibinigay sa aking anghel ng Diyos sa katauhan ng aking bunsong anak.
Anak, alam kong marunong ka nang magbasa, nais kong malaman mo na hanggang ngayon ay sariwa pa sa aking alaala ang mga pinagdaanan namin, natin at hindi minsan inalis sa aking isip dahil ito ang mga bagay na nagpatatag sa akin upang maging isang mabuting ama para sa inyo. Maligayang KaarawanEirene . Mahal na mahal ka ni Papa.