Sanaysay
It's more fun in the Philippines! At ang mga kathang isip at kwento ni kiko ay nakikibahagi sa kampanya ng Department of Tourism (DOT) sa bago nitong slogan. At ito ang pangalawang pakikisaya.
Tamad nga ba si Juan Tamad?
Minsan isang araw ay inutusan si Juan ng kanyang ina na ilako/itinda ang mga bibingka na niluto nito, sumunod naman si Juan. Habang naglalakad sa daan ay nakita niya ang mga palaka na lumalangoy sa lawa, sa kanyang pagkabagot at katamaran ay itinapon niya ang mga bibingka sa mga palaka, na kinain naman ng mga ito. Pagka uwi ng bahay ay sinabi niyang inutang ang kanyang mga paninda at sa susunod na linggo na sila magbabayad.
Sayang si Juan Tamad, imbis na pera na ay naging bato pa. Sa kanyang katamaran ay nagawa niyang magsinungaling.
Kaya marami sa mga Pinoy ang nababaon sa patung-patong na problema at kasinungalingan, dahil sa katamaran.
Mabuti na lang at mayroon ding ibang Pinoy na patuloy na nagsisikap kumita ng pera sa pamamagitan ng paglalako/ pagtitinda ng pagkain sa daan, gaya ng mga halimbawa sa ibaba:
Taho - It's more fun in the Philippines
Ang taho ay isang uri ng pagkaing Pilipino na hango mula sa impluwensiya ng mga Intsik. Isa itong matamis na pagkain mula sa balatong [(soybean) mga butong gamit sa paggawa ng sawsawang toyo] at malapot na sirup o pulot at hinahaluan ng sago. Karaniwang inilalako ito tuwing bukangliwayway. Magtataho ang tawag sa naglalako nito.
Pandesal - It's more fun in the Philippines
Ang pandesal o pandisal (pan de sal) ay isang pagkaing Pilipino na nangangahulugang "tinapay na may asin". Karaniwang inilalako ito tuwing umaga at masarap na almusal kasama ang mainit na kape. Panadero ang gumagawa nito at karaniwang isinisigaw ang "Pandesal" ng naglalako sa umaga.
Biko - It's more fun in the Philippines
Ang biko ay isang uri ng suman na mayroong matamis na karamel at latik sa ibabaw. Karaniwang inilalako ito sa umaga bago magtanghalian.
Sorbetes - It's more fun in the Philippines
Ang sorbetes ay isang pinalamig, pinatigas, o pinagyelong panghimagas na gawa mula sa krema, na may idinagdag na mga pampalasa at mga pampatamis. Madaling tumitigas sa lamig ang halong ito habang hinahalo, upang hindi mabuo ang malalaking mga yelong kristal. May ilang sorbetes na yari sa gulaman upang hindi maging madikit. Karaniwang inilalako ito sa tanghali pagkatapos mananghalian. Mamang Sorbetero ang tawag sa naglalako nito at sa pamamagitan ng kalembang malalaman na dumadaan na siya.
Maha Blanca - It's more fun in the Philippines
Ang maha blanca o maja blanca ay isang uri ng meryenda o panghimagas, na gawa sa mais. Karaniwang inilalako ito sa tanghali pagkatapos mananghalian.
Binatog - It's more fun in the Philippines
Ang binatog ay isang pagkaing Pilipino na may pinakuluang mga butil ng puting mais at hinaluan ng asin at kinayod na laman ng buko. Karaniwang inilalako ito tuwing hapon. Sa pamamagitan ng kalembang malalaman na dumadaan na ang nagtitinda ng binatog.
Balut - It's more fun in the Philippines
Ang balut ay isang pagkain nanggaling sa Asya, lalo na sa Pilipinas, Tsina at Vietnam. Isa itong itlog ng bibe na dumaan sa pertilisasyon kasama ang isang halos na nabuong embryo sa loob na pinapakuluan at kinakain kapag nabalatan.
Kadalasang inilalako ang balut sa gabi at ang mataas na protina ang nagiging dahilan upang isabay sa serbesa. Kinakain ito kadalasan ng may asin, suka, at/o sili para magkaroon ng lasa.
Sa Pilipinas, matatagpuan ang industriya ng paggawa ng balot sa Pateros. Magbabalot ang tawag sa naglalako nito at "Balot" ang isinisigaw niya tuwing sasapit ang gabi.