Dalawampu't Limang Kabaliktaran

Sanaysay

25 Silver

Habang ang iba ay nagdiriwang ng anibersaryo ng EDSA Revolution, ang www.kwentonikiko.com ay nagdiriwang naman ng ika dalawampu't limang buwang anibersaryo sa blogosphere

Nais kong bigyan kayo ng kakaibang kaalaman ngayon sa pamamagitan ng paglalahad ng dalawampu't limang mga kabaliktarang wika ng Filipino.

Sa wikang Filipino, mayroong mga salitang kapag binaliktad ay nagkakaroon ng ibang ibig sabihin, at mayroon namang kahit baliktarin ay iisa parin ito.

    Halimbawa ng mga Salitang Binaliktad ang Pantig (?).
  • bata - taba (ba/ta - ta/ba) (bata - child, taba - Fat)
  • pili - lipi (pi/li - li/pi) (pili - choice, lipi - tribe)
  • laga - gala (la/ga - ga/la) (laga - stew, gala - wander)
  • lima - mali (li/ma - ma/li) (lima - five, mali - wrong)
  • baha - haba (ba/ha - ha/ba) (baha - flood, haba - lenght)
  • mutya - yamut (mut/ya - ya/mut) (mutya - pearl, yamut - irritable)
  • pasa - sapa (pa/sa - sa/pa) (pasa - assist[basketball term], sapa - creek)
  • pata - tapa (pa/ta - ta/pa) (pata - leg of animal, tapa - dried meat)
  • gatong - tongga (ga/tong - tong/ga) (gatong - firewood, tongga - drink)
  • apa - paa (a/pa - pa/a) (apa - wafer, paa - feet)
  • likha - halik (lik/ha - ha/lik) (likha - creation, halik - kiss)
    Halimbawa ng mga Salitang kapag binaliktad ay nag-iiba din ang pantig.
  • abot - bota (a/bot - bo/ta) (abot - reach, bota - boots)
  • aklat - latak (ak/lat - la/tak) (aklat - book, latak - residue)
  • akay - kaya (a/kay - ka/ya) (akay - guiding by hand, kaya - capable)
  • akin - kina (a/kin - ki/na) (akin - mine, kina - from)
  • ahas - hasa (a/has - ha/sa) (ahas - snake, hasa - sharp)
    Halimbawa ng mga Salitang kapag binaliktad ay iisa pa rin ang ibig sabihin.
  • talata (ta/la/ta) (talata - paragraph)
  • bibi (bi/bi) (bibi - duck)
  • bobo (bo/bo) (bobo - stupid)
  • padpad (pad/pad) (padpad - castaway)
  • pipi (pi/pi) (pipi - mute)
  • payapa (pa/ya/pa) (payapa - peaceful)
  • banaba (ba/na/ba) (banaba - deciduous timber tree)
    Halimbawa ng mga Salitang kapag binaliktad mo ang pagkakaayos ng letra ay parehas pa rin ang ibig sabihin.
  • aba - aba (a-b-a) (aba - poor)
  • asa - asa (a-s-a) (asa - hope)

Ang Pantig o syllable ay bahagi ng pagkakasunod-sunod ng tunog ng pananalita. Sa wikang Filipino, ito ay mayroong siyam na uri ng pantig

P - (patinig), halimbawa: a-so
KP -(katinig-patinig), halimbawa: ba-ta
PK -(patinig-katinig), halimbawa: es-trang-he-ro
KPK -(katinig-patinig-katinig), halimbawa: bun-dok
KKP -(katinig-katinig-patinig), halimbawa: pro-tes-ta
KKPK -(katinig-katinig-patinig-katinig), halimbawa: plan-tsa
KKPKK -(katinig-katinig-patinig-katinig-katinig), halimbawa: tsart
KPKK -(katinig-patinig-katinig-katinig), halimbawa: nars

Ang Patinig o vowels ay Aa Ee Ii Oo Uu at ang Katinig naman o consonants ay Bb, Cc, Dd, Ff, Gg, Hh, Jj, Kk, Ll,Mm, Nn, Ññ, NGng, Pp, Qq, Rr, Ss, Tt, Vv, Ww, Xx, Yy at Zz

↑ bumalik sa itaas

Sa ika-dalawampu't limang buwan ng Mga Kathang Isip ni Kiko…