Tula
Basura ng isipan,
Bumabahang parang langgam;
Nakakairitang tignan,
Pulos walang katuturan.
Walang basagan ng trip ang sabi ng ilan,
Lahat naman tayo ay may kalayaan;
Kalayaang unti-unting sumisira sa kabataan?
Sa kabataang walang muwang?
Na ipinagkakalat pa't pinagtatawanan.
Kabutihang asal na tinuturo sa eskwelahan,
'Di ba dapat magsimula muna sa magulang?
Paano kung ang bata ay liban sa paaralan,
Ano na kaya ang kahihinatnan?
Basurang itinapon ng isipan,
Ilagay sa tamang lalagyan;
Sapagkat kung ito ay may kahulugan,
Asahan mong hindi ito masasayang.
Sa panahong salat sa kaalaman,
At patuloy na naghahanap ng kandungan;
Kaysarap alagaan ang bawat kabataan,
Sa tamang landas na kanyang patutunguhan.