Takot sa Multo | Sanaysay

Ghostbusters Logo

Sanaysay

Nakakita ka ba ng multo?
Nakaramdam ka na ba ng multo?


'yan naman talaga ang palaging tanong kapag napag-uusapan ang multo 'di ba?

Ang tatalakayin kong sanaysay ay hindi tungkol sa multo na iniisip ninyo, ang sinasabing nagpaparamdam o kaya naman ay nagpapakita.

Ang takot sa multo o takot sa sariling multo ay isang ekspresyon na karaniwan nang napag-uusapan o nababanggit kapag mayroong nararamdamang kakaiba ang isang tao. Guilty in other words. Natatakot dahil baka mangyari sa kanya ang kanyang ginawang kalokohan sa iba. Takot sa Karma.

Hindi naman talaga maiiwasan ang ganitong pakiramdam lalo na kung nasa state ka ng pag-iisa, pagmumuni-muni at pag-iisip.

Lalo ka kayang kakabahan kapag ang ginawa mong bagay ay nakasira sa pagkatao ng iyong kapwa. Na dahil sa mga sinabi mo at sinulat ay ikaw ang naging dahilan para mawalan ng pagkatiwala sa sarili ang iyong kapwa.

Oo nga tama ka, kung tama ka nga, pero maiisip mo din na, sa tagal ng panahon, parang may nagawa kang isang bagay na hindi ka mapakaling hindi isipin at alalahaning "baka mangyari din sa akin ito ah?"

Baka balikan ka ng Karma.

Ano nga ba ang paraan para matanggal ang pagkatakot sa sariling multo?
Paano mapaglalabanan ang mga ito?


Minsan sa aking pag-iisip habang nasa rooftop ako ng inuupahan kong flat dito sa Doha, naisip ko lang, sa aking pananaw, depende 'yan kung sa sarili mo ay nakapagpatawad ka na. At higit sa lahat ay nakahingi ka na rin ng tawad sa Diyos sa iyong mga maling nagawa.

Pero lagi nating tatandaan mga kaKwentuhan, walang saysay ang paghingi natin ng tawad sa Diyos kung mismong sa taong nagawan natin ng pagkakamali ay hindi pa tayo nakakahingi ng tawad.

May isang eksena sa Bibliya na kung saan itong isang tao ay pumunta sa Templo at may dalang mga alay, upang humingi ng tawad sa kanyang mga nagawang pagkakasala, ngunit sinabi sa kanya, iwanan mo ang iyong mga alay, puntahan mo ang taong iyon at makipagkasundo ka.

Isang patunay na ang mga bagay na hindi pagkakaunawaan ay maaayos sa tulong na rin ng kusang pagpapakumbaba ng bawat isa, pagsuko ng kalooban sa Diyos para sa pagtutuwid at magsilbing daluyan ng pagkakasundo.

Kaibigan, lahat ng iyong pagkakamali at pagkukulang ay mapapatawad, hindi dahil sa mabuti ka, hindi dahil sa mabait ka, hindi dahil sa mapagpakumbaba ka, kundi dahil sa Biyaya ng Diyos ng Pagpapatawad. It is the Mercy and Grace of God that our Sins are Forgiven through Our Lord Jesus Christ.

Kaya naman kapag naiisip mong natatakot ka sa sarili mong multo, aba alam mo na ang iyong gagawin.

Who you gonna call?

Ghostbusters ba?

Ghostbusters Logo

Hindi!
Tawagan mo, i text, iPM (private message), email, iBuzz, poke, ang taong iyon, humingi ka ng tawad, maliit man o malaki, hindi man siya nagreply, sa sarili mo ay na release ka na sa burden mo. Next step ay pumunta ka sa iyong silid manalangin upang makausap mo ang Diyos ng sarilinan.

Mahirap ang pinagdadaanan ng mga taong natatakot sa kanilang sariling multo.

At ang mga taong natatakot sa kanilang sariling Karma.

It's your choice to be in that situation, ngunit lagi nating tatandaan.

It is the Joy of The Lord that makes us strong every days of our lives.

Kaya smile na. Matatapos din 'yan at makaka get over ka rin sa nararamdaman mo.