Tula
Kasabay sa pagguho nitong munting pangarap,
Isang sulyap mula sa alapaap;
Tugon sa tawag ng Maykapal,
Pag-asang tila hindi na magtatagal.
Saan nga ba muling sisikat ang umaga?
Sa kulimlim ng langit na may nagbabadya;
Biyayang mula sa Diyos na winalangbahala,
Saka magtitiwala na mayroong pag-asa?
Saksi ang langit sa daang maliit,
Sa gawing hakbang mula nang paslit;
Takdang panahon ay may pagsusulit,
Ihanda ang sarili sa puot at galit.
Sa panahong kinakailangan,
Iniwan ng walang pakundangan;
Mga sulat na hindi nakarating,
Bawat patak ng luha'y tugon ang hiling.
Kahapon'y tila isang panaginip,
Bangungot at hinagpis ang laging daing.
Sana Bukas pa ang kahapon,
Nang maitama ang maling desisyon.
I made this poem when I was in
Now that I'm in