Kiko:
kapag nagMahal ka, pangatawanan mo!
patunayan mong karapatdapat ka sa nakaHilerang mga binibenta.
mura ka nga, wala ka namang kwenta;
eh 'di doon na ako sa mahal, siguradong matibay at magtatagal.WOF:
Hindi lahat ng mura ay walang kapasidad
Parehas lang sila na may abilidad
Magsuot man ng mamahalin ngunit baralbal
Doon na ako sa Mura na iingatan dahil 'di magtatagalKiko:
Oh kaySarap basahin, ang pagMumurahan natin
kahit na ano ang gagawin maramdaman mo lang na Mura ka sa akin
kung ako'y iyong Mumurahin, ikaw'y mumurahin din,
pagkat pagmumurahan natin'y masaya sa 'king damdamin.
At kung dumating ang panahon magMahal ka ng nakaKahon,
isipin mo lamang kahapon minura mo ang lumabas sa kahon.WOF:
Kahit papaano'y iniiwasan ang Mahal na kahapon
Pagkat andito ngayon ang murang aking inipon
Pinag isipan at pinag aralan kahit sinisipon
Umasa kahit paano at maghihintay sa dapit haponKiko:
ginhawang dulot ng simoy ng hangin,
sa dapit hapon ating salubungin
hanggang sa magtakip silim
ngiti sa labi mo'y kapansin pansin
bago mahiga sa pagkakatulog
ligayang hatid ng pagkamot ng likod
ala alang maghapong sininop
hayaang dumating ang mahiwagang antokWOF:
Hindi maiiwasan mawala sya sa aking isipan
Pikit mata na'y ayaw paring lumisan
Katawan ay di alam kung saan ipapaling
Sana ay katabi ko sya at kapilingKiko:
Nawa'y kumot ay hindi mamagitan,
sa pangarap kong pinlano nang minsan;
hayaang ginaw sa gabi ay pumailanglang,
nang tuluyang magdikit ang ating katawanWOF:
Hindi ko kailangan ang kumot para maibsan ang lamig
Ang kailangan ko lang ang yakap ng kanyang bisig
Pagdampi ng kanyang kayamang kutis sa akin
Ay hudyat ng lamig na nararamdaman ay lilisan sa aminKiko:
Init ng pagmamahal
o malisyang aking inaasal?
tanong sa aking ng magbabakal
kikiluhin po ba itong binibentang busal?WOF:
Di ko na talaga kayang makipag tikasan
Sa mga salitang inyong nagisnan
Pagkat inaantok na ako
Bukas na lang pangako kotCP: (Tita Cora)
eh ano ba 'yang busal
gamit po 'yan sa kalabaw
saan ka kukuha ng inasal na kalabaw
dito napakarami ng mga taong paimbabaw
'di mapagkakatiwalaan't bituka'y mga likaw
sorry pasensya na kung ako'y nahuli
sa tulaan ninyong hanggang hating gabi
tsinelas na topbic 'di ko maiwaksi tang inang mura na flat ka kagabi
aba'y hapon'y pagkamahal mahal
eh di kay nanay adidas ang taglay
tatak nito'y nike na ubod ng tibay tang inang mura kawawa lang ito
tinapon lang sa basurahan n'yo
eh 'di kasi naman ng suutin ito
nawarak kaagad kaya iniwanan tayo
hiya haba haba nitong aking tugon
parang nanggaling pa sa mainit na pugon
hala mga katropa 'wag ng lilingon
sa murang tsinelas ninyong itinapon
ang pupulot nito t'yak na may katugon
mahilig sa used kahit na patapon pweeeeeee.
tsinelas na topbic ay anong ganda
pagkat laging gamit sa tuwi-tuwina
lalakit babae 'di mapakali
pagwalang tsinelas sila'y mangangati
mag-ingat sa mura ito'y delikado
'pagkat minsan minsan may virus po ito
iyan ang mahirap matyempohan ninyo
may virus na suot ng nobya ninyo
t'yak mahahawa ang mga paa nyo
had had alipunga ang gantimpala n'yo
pag ito'y kinagat may aids pa po ito
kakalat ang laway hanggang pamilya n'yo
'di kasi naman iinom sa baso… pweeeeeeee