Balagtasan
HAWAK KAMAY
Minsan sa dalampasigan tayo ay naghahabulan,
Pagdapa sa buhanginan kamay mo ay aking hinawakan;
Upang ikaw ay alalayan para maglakad sa may gilid ng pangpang,
Muli nating sariwain ang ating pagmamahalan.
Kaysarap langhapin amoy ng karagatan,
Habang mga kamay natin'y ating idinuduyan;
Sabay aawitin mga kantang nasa isipan,
Ating paglalambingan aking sisimulan.
At pagtakip silim ikaw ay aking aayain,
Mauupo sa patag na buhangin;
Isusulat ang mga katagang ika'y Mahal sa akin,
Kamay'y hindi bibitiwan bagkus pipisilin.
At kung ang iyong mukha ay ilapit sa akin,
Tamis ng halik mo ay aking dadamhin;
Magpapaubaya at hindi ka pipigilin,
Hanggang sa mahiga sa tuyong buhangin.
Ating antayin ang paglabas ng buwan,
Alapaap ay mamasdan na tila walang pakialam;
Sa sandaling mata nati'y nagkatitigan,
Lumapit ka, ikaw'y aking bubulungan.
Sasabihin sa iyo aking nararamdaman,
Ang kapiling ka ngayon lubos na kaligayahan;
Ang mga susunod kong sasabihin,
Hindi na pwedeng sa tula ay banggitin.
'Pagkat ang makakabasa ay baka kiligin,
Halika at umakap sa akin...
Babyluv:
"Hawak kamay" na pamagat gawa ni Kikong may agimat,
Ang siyang tunay na alamat sa kanya ay malaki ang pasasalamat.
Sa samahan siya ang huwaran paglikha ng tula ang libangan,
Sa kanya'y maraming natutunan, Tatay Spike ang kanyang kalaban.
Hawak kamay na likhang tula huwag naman sa aking ikaila,
Alam kong ito'y hindi hango sa dula kundi sa iyong tunay na buhay nagmula.
Malamang ito ay nagsimula mula ng tayo'y sa alkhor namalangka,
Naku! baka marami akong masabing salita mapalo ako ng kuya kong makata!
Kiko:
Sabi nga ni bamboo
Hoy pinoy ako may agimat ang dugo ko
Salamat sa tulang pinuri mo,
Ang bawat talata ay may kasamang tono.
Paiba-iba pati ang ritmo,
Subukan mong awitin ito;
Basahin nang buo at lapatan ng tono.
Si Spike ay hindi ko kalaban,
Siya ang kapatid kong huwaran.
Lahat ng iyong natutunan,
Sa amin ay isang karangalan.
Hawak kamay na tulang ito,
Inaalay ko sa kaklaseng minahal ko.
Noong nasa hayskul pa ako,
Na minsan naging parte ng buhay ko;
Ala-ala niya'y nakaukit sa aking puso.