Halimbawa ng Tula

Tula

ANO NGA BA ANG PAG-IBIG?

Dati tinatanong ko ito sa aking sarili,
Madami na ang lumigaya sa pag-ibig;
Ngunit walang angkop na salita,
Para sukatin at ihambing.

Walang tamang wika para hulihin,
Walang larawan para ipakita;
Ngunit nang makilala kita,
Sa mga sandaling kayakap ka...
Alam ko, ramdam ko, ito pala ang pag-ibig.

Hindi ko alam kung gaano kaganda ang pag-ibig,
Kung gaano kasaya ang buhay;
Mula nang makasama kita,
Iniibig kita.
Maligayang kaarawan mahal ko.


IKAW AT ANG PAG-IBIG MO

Ngayong binabasa mo ito,
Naniniwala ako na may pag-ibig pa ring nadarama ang iyong puso.

Kahit na ikaw ay minsang nasaktan,
At ito'y iyong nakalimutan;
Patuloy pa ring titibok ang puso mo,
At nakahandang magmahal muli.

Hindi pa huli ang lahat para sa pag-ibig mo,
Tanging may nakalaan dyan sa iyong puso;
Bumangon ka, mga mata'y ikurap,
May nagmamahal sa 'yo, nandyan lang sa tabi mo.

Sama ng loob ay ibalot sa panyo,
Hinanakit ay sa dagat ibato;
Buntong hininga kapag naaalala mo,
Dagling mawawala, giginhawa ang pakiramdam mo.

Bakit nga ba tayo kapag umibig ng todo,
Nakakalimutan kung sino talaga tayo;
Kahit na sila sa iyo ay magbago, dumaan ka man sa malakas na bagyo...
Hanggang sa dungisan ang iyong pagkatao,
Mananatili pa rin ang ikaw at ang pag-ibig mo.


LIWANAG KONG ALAY

Halika at sumama sa akin,
Sa isang lugar kung saan iyong kakamtin;
Kapayapaan na matagal na daranasin,
Isang lugar sa puso mo na ating uukitin.

Pagmamahal sa kalikasan kay sarap damhin,
Isang oras na dilim, ang ialay mo sa akin;
Upang tunay na liwanag ay magningning,
Kitang kita mo sa iyong paningin.

Ang desisyon mo ay napakahalaga,
Hindi lang para sa iyo pati na sa mga bata;
Sa kinabukasan kanilang madarama,
Isang ala-ala buong mundo'y nagkaisa.

Ano man ang nagawa ng siyensya at teknolohiya,
Maging mabuti man ito o masama;
Ang mahalaga na tayo ay sama-sama,
Isang oras para sa iyo Mahal naming Ina.

Sabi nga ng kanta..
Let there be peace on earth and let it begin with me.


TRUE LOVE

Tunay na pag-ibig ay panghabambuhay,
Laging sariwa kada umaga, araw-araw;
Tunay na tibok ng puso na hindi mababago,
Tunay na pagmamahal na walang alinlangang magpaubaya.

Isang tunay na pag-ibig na kaysarap damhin,
Sa bawat pintig, sa bawat tibok;
Tunay na ang pag-ibig ng kasintahan ay maglalaho,
Ang pagmamahal ng asawa'y nagbabago.

Ang pag-ibig ng anak ay napaparam,
Ang tunay na lalim ng pagmamahal ay may pang-unawa;
Sapagkat ako'y naniniwala sa kasabihang,
Ang tunay na pag-ibig na aking itinanim.

Ay tunay ko ring aanihin,
At kayang maghintay kung kailan ako darating.


BRACELET

Minsan sa iyong paghahalungkat,
Nabuksan mo ang iyong jewelry box;
Mayroon kang nakitang hindi inaasahan,
Isang bracelet na kumikinang.

Naitanong mo kung sa iyo nga ba ito,
At naalala mong ito'y bigay ko sa iyo;
Luha mo ay biglang pumatak,
Pahirin mo man patungo sa pag-iyak.

Tanong sa sarili bakit pa naghalungkat?
Ala-ala ng lumipas ay muling sumiwalat;
Salamat at patuloy mong tinatago,
Ang ala-alang hindi magbabago.

Pilit mo mang ako'y kalimutan,
Bracelet na ito'y dalhin sa sanglaan;
Marka nito sa puso mo ay pangmatagalan,
Maski sa panaginip ika'y susundan.

Tanging ala-ala ko sa iyo,
Na may kasamang pangako;
Mula nuong tayo'y magkalayo,
Puso ko'y 'di na tumibok pagkat nakatali na sa iyo.

At kung sakaling ito'y iyong sunugin,
O itapon sa malalim na bangin;
Sa iyong pagtulog ika'y gigisingin,
Na hindi mo ako kayang limutin.

Kung plano mong sa akin ito'y ibalik,
Katumbas nito'y isang paalam na halik;
At kapag labi natin ay muling nagdikit,
Baka ako nama'y yakapin mo nangg mahigpit.

Ano nga ba ang dapat mong gawin?
Kahit na ito'y pag-pirapirasuhin;
O kaya nama'y sa apoy ay tunawin,
Dahil ang puso mo ay minsan kong naangkin.

Hindi ko pinagsisihan na ika'y mahalin,
'Pagkat noon, ako'y minahal mo rin;
Pagibig sa puso mo na aking naitanim,
Sa mga tula ko'y patuloy kong didiligin.


IWAS

Ang ikaw ay titigan, pilit kong iniiwasan,
Lambing ng iyong mukha, ayaw kong mapanaginipan;
Magkausap na tayo'y, nakatingin sa kawalan,
Nangangambang mga mata nati'y magkatitigan.

Baka manariwa ang dating pagmamahalan,
Salamat sa pang-unawa mo sa aking pananahimik;
Ang makita kang masaya,
Puso ko'y hahagikhik.

Mga mata ko'y kusang ipipikit,
Ititikom ang aking bibig;
Kung kailangang ako'y magpumilit,
Umiwas ng kusa sa mararamdamang sakit.

Sa sandaling ako ay iyong sulyapan,
Maaari bang mukha ko ay huwag titigan;
Tulungan mo akong ika'y kalimutan,
Burahin sa isip ang dating masayang pinagsamahan.


PALASO

Bakit kapag ang tula ko ay iyong nabasa?
Natatahimik ka at natutulala;
May kung anong isasambit ang iyong dila,
Muling gumagana ang iyong diwa.

Palaso ko sa puso mo ay tumarak,
Nakapikit ka na'y pilit paring dumidilat;
Alumpihit sa higaan, may kung anong hinahanap,
Hindi mapakali, nararamdama'y 'di maipaliwanag.

Hindi ka man sa tula ko ay magkomento,
Ang mahalaga sa akin ay nabasa mo ito;
Siguradong tumagos sa iyong puso,
Na ang tanging layunin ay patibukin ulit ito.

Kapag tula ko ay hindi mo nabasa,
'Di ba't parang may kulang sa iyong umaga?
Maski na't malayo ka't hindi nakikita,
Alam kong inaantay mo ang susunod kong tula.


MINUTO

Gaano ba ako ka-halaga sa iyo?
Kailan mo ba binati ang suot ko?
Maaring hindi mo napansin ang bago kong hikaw,
Huwag mo namang sabihing ako'y mababaw.

Kailangan ko ng atensyon mo,
Hahayaan mo bang sa iba mapunta ang atensyon ko?
Hindi ko na matandaan kung kailan mo ako huling napangiti,
Pababayaan mo bang iba ang magbigay sa aking ng kaligayahan?

Wala ka na bang panahon sa akin?
O talagang balewala na ako sa 'yo;
Minuto na nga lang kahit hindi na oras,
Kailan ba tayo huling kumain sa labas?

Iyong tayong dalawa lang at maglalakad hawak kamay,
Parang magkasintahan lang.

Kailangan ko ang pagmamahal mo,
Kailangan ko ang mga yakap mo;
Sa panahong nalulumbay ako,
Pag-aalalang nagmumula sa'yo.


HARAP

Hindi ako mapakali,
Sa isip ko'y hindi ka mawaglit;
Mula nang tayo'y magkitang muli,
Ala-ala mo na lang palagi kahit nakapikit.

At habang hindi ko pinapansin itong nararamdaman,
Lalo mo akong pinapaniwalang ikaw'y may gustong patunayan;
Sabihin mo ang nagustuhan sa akin,
Puso ko ay iyong suyuin.

Patunayan mong dapat kitang mahalin, at handa akong paharapin,
Sa aking puso ay mahal kita;
Ako ay tuwinang nag-aalala,
Ikaw ang aking buhay, ang lahat lahat sa akin.

Ang aking panaginip, ang aking panalangin,
'Pagkat sa aking puso ay alam ko,
Dahil sa iyong puso ay alam mo rin;
Na tayo ay para sa isa't isa at magmamahalan hanggang sa huling hininga.


KARISMA

Habang binabasa mo itong aking tula,
Sa malalaman mo huwag kang mabibigla;
Sapagkat sa mga susunod na talata,
Tatanim sa iyong puso at hindi mawawala.

Hindi mo makakalimutang ako ang may akda,
Na sa sandaling ito, pakiramdam mo ay guminhawa;
Sa bawat kurap ng iyong mga mata at banayad na buntong hininga,
Mararamdaman mo ang kakaibang karisma na tanging ngayon mo lang madarama.

Mainit na pakiramdam ay iyong hayaan,
'Pagkat sa lamig ng paligid ito'y iyong kailangan;
Ngiti sa iyong labi ay huwag pigilan,
Wala namang nakatingin, tanging ikaw lamang.

At kung sakaling ika'y nalulumbay,
Basahin mo ulit itong tula kong alay;
Pakiramdam mo ay giginhawang tunay,
Maganda sa gabi bago ka humimlay.

Lagi mong tandaan,
Huwag kalilimutan;
Itong tula sa iyo nakalaan,
Basahing muli paminsan minsan.


HIMBING

Ang hirap matulog nang mahimbing,
Kapag ikaw'y hindi kapiling;
Kahit saan mukha ko ay ipaling,
Hinahanap iyong paglalambing.

Kahit mata'y nakapikit,
Ang iyong mukha sa diwa'y nakadikit;
Ngiti mong sobrang lagkit,
Malasutlang kutis at kaakit-akit.

Ang haba ng iyong buhok, nais kong suklayin,
Tamis ng halik mo aking aantayin;
At kapag ang labi natin ay nagdiin,
Pakiusap, 'wag n'yo na akong gisingin.


MALING PAG-IBIG

Maling pag-ibig aking naranasan,
Nang makilala ka at mahalin nang lubusan;
Wala akong magawa nang ikaw ay lumisan,
Patak ng luha ko'y hindi mapigilan.

Sa iyong pagkawala ako'y nangungulila,
Sapagkat ikaw lamang ang nakapag papaligaya;
Hindi ko maiwasang bumuntong hininga,
Sa tuwing naaalala kita.

Pilit ko mang ikaw'y kalimutan,
Itago ko man ang iyong larawan;
Hindi ka maalis sa aking isipan,
Damdamin ko'y iyong pinarusahan.

Nais kong malaman mo, sa puso ko'y ikaw pa rin,
Kahit wala ka na'y patuloy na mamahalin;
Sumpaan nati'y hindi sisirain,
Kahit na ang hininga ko'y KANYA nang bawiin.


TITIG

Bakit mo ako tinititigan?
Sabihin sa akin kung ano ang dahilan;
Kalimutan na natin ang nakaraan,
'Pagkat hindi na maibabalik masayang pinagsamahan.

Sa galaw ng iyong mga mata,
Nangangarap na ako'y muling makasama;
Patawad 'pagkat ako'y malayo na,
At hindi na muling magpapakita.

Pagpatak ng iyong luha ay iyong pigilan,
Wala namang saysay, sa aki'y walang pakialam;
Mabuti pang ako'y iyong kamuhian,
Alisin sa isip, limutin nang lubusan.

notesnikiko.com Tula