Tula
Takdang Aralin
Gumawa ng Tula na may 2 Saknong
kung paano mo maipagmamalaki ang iyong pinagmulan o kasaysayan ng lahi?
Tula #1
Habi ng Lahi
Sa Hilagang Luzon, lahi ko ay nagmula,
Mayroong katangian sa paglikha;
Paghahabi ang kinagisnan mula pagkabata,
Naging tanyag kami sa buong bansa.
Habi ng Lahi aking ipinagmamalaki,
Natural na obra at walang pagkukunwari;
Kasaysayan at Sining ng aming lahi,
Buong mundo'y kami ay pinupuri.
Tula #2
Anoa Mindorensis
Mindoro ang Bayang aking pinagmulan,
Kilalang kilala sa tawag na Mangyan;
Pangkat Etnikong tunay na makasaysayan,
Ikaw ay handa naming paglingkuran.
Tanyag ang Lahing mula sa simula,
Natatanging lugar dito sa aming bansa;
Malawak na karagatan pati na ang lupa,
Kilala kami sa Pagsasaka't Pangingisda.
Tula #3
Tula ng Aking Lahi
Isang makasaysayang paggunita,
Ang sa inyo'y nais na ibahagi sa tula;
Sa Timog Silangan lahi ko ay nagmula,
Filipino ang wika't Pilipinas ang sinilangang bansa.
Ipinagmamalaki ko ang aking lahi,
Maroong kakaibang pag-uugali;
Magiliw at palaging nakangiti.
Po at Opo ang palaging sinasabi.
Bow.