Isang Huwaran

notesnikiko.com Mga Tula ni Babyluv

Tula

Ako sa kanya'y lubos na nagpapasalamat,
Bagama't di ko pa naman alam ang lahat;
Kaalaman ko sa paglikha ay di pa sapat,
Subalit sa tingin niya ako ay nararapat.

Nagsimula ang lahat sa isang samahan,
Napagkaisahan at ako ay napabilang;
Nauulanigan masasayang kwentuhan,
Kaya ng minsan sila ay napagbigyan.

Francisco Balagtas

cute_cupcake unang naging pangalan,
'Di naman sikat dahil 'di kagandahan;
Medyo tahimik dahil kinakabahan,
Kaya nung una nakikiramdam lamang.

Unang pagdalo sa alkhor ay tanda ko,
Doon nakilala mga kabarangay dito;
Selebrasyon ng kaarawan ng isang tao,
Nagkasama-sama at nagkakilala dito.

Aking napansin lahat ay welcome dito,
Masayang pagbati mula sa mga myembro;
Kahit hindi ka man nila gaanong kabisado,
Kapatid na turing ang siyang papakita sa'yo.

Bago nagkita sa telepono nag-umpisa,
Ako'y sadyang tinawagan niya;
At akala ko noon ay teen-ager pa,
Dahil boses niya'y mala anghel talaga.

Makremang baka na inihanda niya,
Talaga namang makakalimot ka;
Akalain mong ako'y pinadalan pa,
Tuloy nakalimutan ko ang pagdedyeta.

Sa balagtasan unang nagsimula,
Hindi ko nman din sinasadya;
Dahil 'di naman ako gumagawa ng tula,
Pero dahil sa taong ito ako ay nakalikha.

Marami akong sa kanya ay natutunan,
Mga salitang ngayon ko lang nalaman;
Siya ang aking naging huwaran,
Sa paglikha ng tula bagyang nabihasa.

Alam kong hindi ko siya mapapantayan,
Masaya na akong siya ay tularan;
Mga kaibigan...fRanCisM ang pangalan,
Kuya kiko ngayon sa bagong samahan!