Tula
Bakit kaya ang tao kapag problemado,
Hindi alam kung ano ang kanyang pagkatao;
Sa pag-iisip ng magiging solusyon dito,
Bumibigat maging sa saloobin nito.
Minsan alam mo ang kasagutan dito,
Subalit pinipilit pa rin ang nais mo;
Kesehodang masaktan pati damdamin mo,
Huwag lang ang taong minamahal mo.
Sa pag-iisip dibdib ay sumisikip,
Puso'y nakakaramdam ng sobrang sakit;
Luha'y nag-uunahang pumatak sa gilid,
Wala namang magawa kundi damhin ang pait.
Kabog ng dibdib hindi kayang kalmahin,
Parang bulkang sasabog sa damdamin;
Hindi naman mailabas tunay na saloobin,
Pagkat ayaw kong ako'y maging intindihin.
Luhang araw-araw sa pisngi ay pumapatak,
Parang tag-ulan na sa lupa ay tumatahak;
Dating sa puso ko'y parang binibiyak,
Pakiramdam ko lahat na lang sa akin ay latak.
Mahirap itago sa damdamin ang sakit,
Ayaw ko din naman na sa iba'y makasakit;
Ako na lang ang magdadala ng pait,
Lahat ng ito'y buntong-hininga ang kapalit....