Tula
Paano ba uumpisahan,
Tulang tungkol sa paglisan;
Masakit pala sa isipan,
Gayundin sa kalooban.
Hindi ko man naisin,
Alam kong magaganap din;
Sinabi na din sa akin,
Kung kailan niya ako lilisanin.
Malungkot na masaya,
Masakit pero magpaparaya;
Dibdib ko'y parang sasabog na,
Tatanggapin ang nakatadhana.
Ang akala ko'y Nobyembre pa,
Ngayon ito'y napalapit na;
Hindi na mapipigil pa,
Paglisan niya'y sasapit na.
Araw-araw na pagluha,
'di ko kayang itago pa;
Mahal na mahal ko kasi siya,
Sa buhay ko'y higit pa.
Ngayong araw ay papalapit na,
Mukha niya'y pinagmamasdan na;
Mga salita'y minimemorya,
'pagkat 'di alam kung makikita pa.
Kahit gaano kasakit,
Ito'y aking kakayanin;
Huwag ko lamang makitang,
Ika'y nasasaktan din.
Sa iyong pag-alis,
Pasasalamat ang baunin;
Pagmamahal kong napakalalim,
Pangakong ikaw lang ang mamahalin.