Tula
Hindi man alam kung anong kahihinatnan,
Masakit man ang laging nararamdaman;
Pasasalamat pa rin ang sa iyo'y inilalaan,
Sa mga masasayang araw na pinagsamahan.
Mga ala-alang hindi kayang pantayan,
Pinagsamahang hindi mahihigitan;
Pagmamahalang hindi malilimutan,
Buong buhay kong iingatan at aalagaan.
Mga mata mong laging sa akin ay nakatanaw,
Ang mga ngiti mong sa akin ay pumupukaw;
Mga yakap mong tila ayaw ng bumitaw,
Lahat ng 'yan dala ko hanggang sa pagpanaw.
Mga araw sa buhay kong ika'y nakasama,
Ligayang walang kapalit ang aking nadama;
Pighati man ang sigaw ng puso sa tuwina,
Kung mauulit… IKAW pa rin ang gagawing KUYA.
Salamat sa pagmamahal na iyong ibinigay,
Ang buhay ko'y punong-puno ng kulay;
Walang sinuman ang makapapantay,
Pangakong dadalhin hanggang sa hukay.
Sa iyong pag-alis ngumiti ng matamis,
Para sa aking isipan ay mapalis;
Ang mga alalahaning pilit nagsusumiksik,
Iyong baunin ang pangakong…