Tula: Bayani

notesnikiko.com Mga Tula ni Babyluv

Tula

Jose Rizal, Emilio Aguinaldo, Apolinario Mabini

Sabi nila ang mga bayani’y matatapang,
Hindi umuurong sa anumang laban;
Maging sa mga pakikipagtalastasan,
Sariling bansa ay handang ipaglaban.

Si Jose Rizal ang sinasabing Pambansang Bayani,
Utak naman ng Himagsikan si Apolinario Mabini;
Ang unang bayaning nagtanggol sa ating lahi,
Si Lapu Lapu na kalayaan ang kanyang inani.

Emilio Aguinaldo ang naging Unang Pangulo,
Ipinahayag ang Kalayaan nuong ika-12 ng Hunyo;
Si Andres Bonifacio ay isang Katipunero,
Nagbigay lunas sa may sakit si Melchora Aquino.

Mga magigiting na sundalo na nagbuwis ng buhay,
Upang kalayaan sa ating mga pilipino’y maibigay;
Saludo ako sa tapang ninyo at husay,
Maging sariling buhay ay handing ibigay.

May mga simpleng bayani na hindi kilala,
Ngunit ang ilan sa kanila ay kinikilala;
Binibigyang parangal ang bawat isa,
Dahil sa pagtulong sa nasunugan, bagyo at giyera.

Para naman sa mga taong naiwanan,
Duon sa ating lupang sinilangan;
Ang OFW ay hindi matatawaran,
Parang si Kuya Kiko na aking huwaran.

Hindi rin umuurong sa anumang hirap,
Basta mga anak matupad ang pangarap;
OFW bayaning nagpapakahirap,
Taas noo tayong sa dayuhan ay haharap!

Sa magigiting na bayani ng ating bayan,
OFW na nakikipagsapalaran;
Mga pinunong ating huwaran,
Saludo ako sa inyong katapangan!

Mabuhay ang mga BAYANI!!!