Bakit nga ba Cinderella?

Sanaysay

Isang araw may nag PM (private message) sa akin sa facebook, at nagtatanong kung saan daw ako kumukuha ng inspirasyon sa mga nagagawa kong mga tula ng pag-ibig, agad akong sumagot at ang palagi kong sinasabi ay ang mga awiting nakaka in-love kaya naman ako ay gumawa ng isang website para sa mga paborito kong Love Songs [dito] at syempre pa ang mga awitin ng Cinderella.

Bakit nga ba Cinderella?

Cinderella Filipino Band

Ang Cinderella ay isang Filipino Soft Pop Band noong 1970's, ito ang panahon na lumalaki ako at palaging kinakanta ng aking ina, gaya ng mga awiting Bato sa Buhangin, Sa Aking Pag-iisa, Superstar ng Buhay Ko, T.L. Ako sa Sa'yo, Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib at Ang Pag-ibig Mo.

At kung binata at dalaga ka sa mga panahong ito, kilalang kilala mo ang kasikatan nina Cecile Colayco, Violy Estrellado at Yolly Samson, kasama sina Snaffu Rigor, Sunny Ilacad, Bob Guzman, Celso Llarina at Gig Ilacad.

Siguro nagtataka ka na ngayon kung mayroon nga ba akong nagawang mga tula mula sa kanilang mga kanta? Nandiyan po sa ibaba at sana ay magustuhan ninyo.

Bato sa Buhangin - Cinderella

Bracelet - Tula

Hindi ko pinagsisihan na ika'y mahalin 'Pagkat noon, ako'y minahal mo rin Pagibig sa puso mo na aking naitanim Sa mga tula ko'y patuloy kong didiligin...



Sa Aking Pag-iisa - Cinderella

Kathang Isip sa Karagatan - Tula

Kailan ka ba darating? Tanong ng diwang may hinihiling, Sa kawalan ay nakatitig ng mariin; Bigyang pansin ang aking hiling...



Superstar ng Buhay Ko - Cinderella

Hawak Kamay - Tula ng Pag-ibig

Ang mga susunod kong sasabihin Hindi na pwedeng sa tula ay banggitin 'Pagkat ang makakabasa ay baka kiligin Halika at umakap sa akin...



T.L. Ako sa Sa'yo - Cinderella

Ka-IBIGan - Tula ng Pag-ibig

Pakiramdam ko'y Nasa alapaap Sa tuwing maririnig Hagikhik mong sobrang sarap...



Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib - Cinderella

Paramnesia - Tulang Nagbabalik

Kahit na ilang beses na nagdusa Hindi pa rin mawawalan ng pag asa Puso kahit na sa luha ay nabasà Nagnanais na muling lumigaya..



Ang Pag-ibig Mo - Cinderella

Ikaw at Ang Pag-Ibig Mo - Tula

Bakit nga ba tayo kapag umibig ng todo Nakakalimutan kung sino talaga tayo Kahit na sila sa iyo ay magbago Dumaan ka man sa malakas na bagyo Hanggang sa dungisan ang iyong pagkatao Mananatili pa rin ang Ikaw at Ang Pag-ibig Mo...


Oo na! oo na! hindi naman ako ang boypren mo, kaya hindi ako baduy, tsaka hindi naman sila ang nag compose nun, sina Vic Sotto at Joey De Leon ang Composer ng Ang Boyfriend Kong Baduy. Namiss ko lang si nanay, kase lagi nyang kinakanta ang Bato sa Buhangin sa akin bago matulog…